patulong mga sir. medyo matagal na rin akong lurker dito sa forum. basa basa lang pero di nagpopost. may nag-aalok kasi sa kapatid ko, 2007 Mazda 3 worth 500k. 40k po ang mileage nya tapos flooded sya ni ondoy. assuming na wala syang mga kalawang o dents sa body as in makinis. then na test drive na rin sya and mabilis naman daw based dun sa account nun kapatid ko. palagay nyo mga sir, good buy kaya sya? ang primary concern ko kasi dito eh yung history nya na binaha ni ondoy. salamat ng po ng marami sa mag iinput ng kanilang thoughts o opinion.