Results 21 to 30 of 70
-
August 29th, 2012 12:24 PM #21
ang disadvantage's kasi ng matic unang-una mas mahal ang parts, mahal ang labor, mas malakas sa gas kumpara sa M/T..
kasi yung oto ng misis ko na honda civic lxi 01 ang FC nya pure city driving 6-7km/ltr samantalang yung sentra super saloon b14 98 ko after ng top overhauled ang FC ko ngayon city driving 12km/ltr may konting hataw mode pa yun..
kung bibili ka ng 2nd hand cars expect mo na meron ka pa talagang ipapagawa kahit papano ikaw na ang bahala tumuklas ng history ng oto kasi sa katagalan habang nagmamaintain ka nalalaman mo yung mga sira tapos hindi mo mapapansin na unti-unti na pala syang umaayos.. pero magsama ka pa din ng mekaniko yung kilala mo para matulungan ka..
btw, wag kang magpapadala sa kinis at linis ng oto lalo na sa mga show room ang pinakamahalaga padin eh yung kundisyon ng makina..
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Aug 2012
- Posts
- 51
August 29th, 2012 12:25 PM #22ang Mazda Familia ba wala naging taxi dati? yun GLX ano ibig sabihin nun? anung model year ang maganda sa Familia? i am 101% MT na ang kukunin ko! di ba matigas ang clutch nito para sa new driver katulad ko?
Sige sir subukan ko makahanap ng trusted na mechanic. at lage ako maglalaan ng extra budget! tama kayo kung ang budget ko ay 160k dapat 120-140k ang makuha kong sasakyan para yun 20k pang palit ng masisira na piyesa. galing mabuti nag tanong tanong muna ko. muntik ko na bilin yun Honda VTi AT-96. haha
-
Tsikot Member Rank 2
- Join Date
- May 2004
- Posts
- 903
August 29th, 2012 12:32 PM #23suggestion ko sayo yung Mazda Familia body na 1.3 carb engine... kaya ko nagustuhan etong model na toh kasi all power na siya... yung 20K is malamang kulang yan para sa initial maintenance or baka sakto lang.. kasi sa belts and all fluids nasa 10k na din yun...
-
August 29th, 2012 12:36 PM #24
Habang nghahanap hanap ka sa sites ng unit, tanong tanong ka lang din dito, a month or two marami ka na alam/matututunan regarding buying second hand, dami ding mga topics.
Mazda may nkikita pa kong taxi na ganyan ngayon, palatandaan ko kasi basta ex taxi, or puv muna bago ginawang green/private yung plaka, merong diamond shape before yung start ng plate number..
Yung clutch..gaya ng sinabi mo baguhan ka na driver, masasanay ka din..
-
August 29th, 2012 01:29 PM #25
This is just a tip to those who wanted to buy a car... No offensement sa mga nagbebenta ng ex taxi.
1. Check the plate if yung plate is RIZAL, then may nakalagay na small letter H dun sa side ng first letter ng plate #. If letter D ang nakalagay, that means DUPLICATE (lost plate siguro)
2. Here are the correct plate series, depending what year model vehicle is:
a. Usually ang series ng mga plate #s kapag 1989-1994 model, front plate color is white background and rear plate color is green background.
b. 1995-2000 model PHILIPPINES 2000 ang nakalagay dun sa bottom ng plate #.
c. 2001 model nakalagay naman is PILIPINAS.
d. 2002-present MATATAG NA REPUBLIKA, Rizal monument as background.
3. Some paint the plates to hide the actual plate series/model para iligaw ang buyer declaring hindi ex taxi ang unit.
4. Don't be fooled sa mga nagbebenta ng mga ex taxi, pwede ka nila iligaw kasi they drop the yellow plate # and obtain the original plate # issued nung first registration ng unit.
5. Odometer reading is tampered, binababa ang mileage kasi ang taxi, 300-400kms a day ang tinatakbo.
Cars that are mostly ex taxi are:
1. Toyota Corolla XL/XE bigbody or lovelife model
2. Kia Pride CD5 or yung may puwet.
3. Mitsubishi Lancer EL/GLI itlog
4. Nissan Sentra LEC/JX or series 3
5. Mazda 323 small body or familia
6. Toyota Tamaraw FX
They sell these cars as private kasi drop na yung plate and tell you na hindi ex taxi.
-
Tsikoteer
- Join Date
- Jun 2007
- Posts
- 1,407
August 29th, 2012 03:16 PM #26*TS: bili ka sa kakilala (relative, friend, officemate) or pahanap ka sa kakilala ng kilala mo
-
Tsikoteer
- Join Date
- Mar 2008
- Posts
- 52,514
August 29th, 2012 04:27 PM #27yung pagtitipid ay hindi lang sa initial purchase.
tuloy-tuloy yan, including repair and maintenance and gas..
kaya ito ang mga suhestiyon ko:
1. manual transmission. wala nang iba.
2. wag mas malaki sa 1600 cc ang makina.
3. mas makakamura ka sa pagawa kung ang papagawa mo ay popular na modelo.. (corolla, lancer, sentra -alphabetical order!).
4. mas mahal at mas bago ang kotse, ay malamang mas kakaunti ang sakit ng ulo.
5. pag maraming borloloy ang kotse, ay marami rin ang puedeng masira at dapat pagawa..
6. siyasatin ang gulong. pag malasin ka ay 10K agad ang bagsak niyan.
ang mga huwag:
1. wag magpapadala sa kinis ng pintura. madali at mura lang yan gawin.
2. wag na wag bumili ng ex-taxi. kung may duda, ay pass ka na. basta apat na pintuan, ay puedeng i-taxi.
3. wag bibili kung may duda sa dokumento. original lahat! walang xerox! check the ID numbers.
4. wag magmadali! baka ka madapa at mapahiya. sa dami ng binebentang kotse ngayon.. sila ang maghintay!
5. wag mag-mamarunong kung hindi marunong. magdala ka ng mekanikong huhusga para sayo.
6. wag magpapadala sa "...oo nga. pero madali naman pagawa yan.." dahil kung madali at mura nga pagawa, ay pinagawa na niya..
ngayon, kung ako ang bibili, ano ang bibilhin ko?
corolla big body gli (yung fuel injected na)... sentra at least series 2 na ECCS na.. lancer? depende..
what do i have in my garage? '97 sentra EX.. dahil naubusan ako ng corolla noon..
na-ondoy o na-habagat? only if he's giving it to you for free..
gumawa ka ng checklist o listahan! at sundin ang checklist na ito! wag kang lalabag! medyo exciting kasi kapag nag-hahanting na ng kotse, e... marami tayong nalilimutan... dapat ay disiplinado ka kung nais mong maka-iskor ng magandang kotse.
i am assuming you know next to nothing about cars, hence the somewhat stringent suggestions.
my 84 centavos' worth.
happy hunting.
tekateka... na-kuwenta mo na ba kung kaya ng kinikita mo ang mag-awto? yung totoo...Last edited by dr. d; August 29th, 2012 at 04:51 PM.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Aug 2012
- Posts
- 51
August 29th, 2012 06:58 PM #28
kung minor defects lang po kaya ko naman na magpagawa. wag lang maging buwan buwan sira yun auto sa tingin ko kaya naman na ng kinikita ko
ah sa totoo lang sir gusto ko gumawa ng checklist bagamat di ko lang alam kung anu ano ang dapat kong malaman sa isang kotse na aking bibilin. subalit kung ako po ay inyong tutulungan sa pag gawa ng check list taos puso ko po etong tatanggapin.
malaking tama ang aking nagawa na mag tanung at mag hanap muna dahil kung nasunod ko ang ang taong nasa paligid ko malamang nakabili na ko ng kotse at malamang sumasakit na ang ulo ko sa oras na to. tama ang kapatid ko sabi niya di porket may budget dapat mag madali dapat maging mapamili.
-
Tsikoteer
- Join Date
- Mar 2008
- Posts
- 52,514
August 29th, 2012 07:51 PM #29the last "minor defect".. i ended up replacing both front shocks! the entire tower assembly!
the second to the last "minor defect".. i had to modify mounting holes because replacements for the broken switches were no longer available..
there are two reasons why the seller didn't fix it: it's too expensive to fix; and there's no replacement part available. so MAKE SURE EVERYTHING WORKS.
heh heh..
my standard advice to those hunting for a good, used car: DON'T RUSH! THE NEXT UNIT YOU SEE MIGHT BE EVEN BETTER THAN THE LAST.
I'm a firm believer in the axiom, "if it's for you, it'll wait for you."Last edited by dr. d; August 29th, 2012 at 08:03 PM.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Aug 2012
- Posts
- 51
August 29th, 2012 08:07 PM #30i like the last part. tama if it's for you, it'll wait for you!
ang mamahal ng Corolla Big body GLi 94-97 naglalaro na agad sa 150k. pero bakit ang Nissan Sentra Super Saloon 01 AT -155k only? here's what i read from other website. ;)
2001 NISSAN SENTRA SUPER SALOON
P 155,000.00 ( NEGOTIABLE UPON VIEWING )
AUTOMATIC TRANSMISSION
-POWER STEERING
-POWER DOOR LOCK
-POWER WINDOW
-POWER SIDE MIRROR
-POWER ANTENNA
-RETRACTABLE SIDE MIRROR
-CENTRAL LOCK SYSTEM
EXALTA BODY ( NEW LOOK )
ALARM with KEYLESS ENTRY
MAGS WITH NEW TIRES
LEATHER SEAT COVER
SRS AIRBAG ( DRIVER SIDE ONLY )
CD . USB READY IN DASH
ZERO KALAMPAG
ZERO OIL LEAK
NO OVERHEAT
NO DENTS or SCRATCHES
VERY COLD AIRCON
SUPER CLEAN AND FRESH IN & OUT
SUPERB ENGINE CONDITION
Buhay na buhay ang BGC this evening. Bukas halos lahat ng restaurants. Sabi pa nung isang cashier...
Traffic!