
Originally Posted by
Brad Delp
hello po, planning to buy a second hand CRV or Rav4 siguro mga year 2010 model, budget ko is Php400k lang, pero hindi ako ang gagamit kasi OFW ako. Bibili lang ako kasi para sa nanay ko at pamangkin (pamangkin ko ang magmamaneho) for emergency purposes kasi matanda at sakitin na ang nanay nasa remote area ang location ng bahay, walang pwedeng takbuhan ng tulong masasakyan.
Mga questions ko lang po:
1) Magkano ang maintenance cost (nevermind yung gasolina) yearly kung hindi naman halos gagamitin at naka park lang sa bahay at basic insurance lang tulad ng third party, para kung makabangga pamangkin ko eh yung other party's car lang ang ipapaayos? Budget ko kasi sa insurance is 5k/year lang.
2) Dami kong nakikitang UNREGISTERED dito sa Tsikot na interesting, pero ako ba magbabayad ng arrears sa LTO at magkano kada taon ang computation?
Salamat po sa mga sasagot, may mga tanong pa pero later na lang ulit.