manghihingi lang ako ng opinyon nyo tungkol dito. may budget akong 200k para pambili ng kotse. ayoko namang bumili ng brand new kasi mga 4-6 months ko lng magagamit every year. kadalasan kasi ng project sa trabaho ay overseas kaya madalang ako sa pilipinas.
ayos bang bilihin ang lancer na ganitong model? sa mga nababasa ko ay suspension at aircon issue ang meron sa ganitong kotse pero kaya naman gawan ng paraan yun. ano sa tingin nyo, bilin ko ba? o may mas maganda pa option?
Pwede mo iconsider ang Nissan Sentra B14 Super Saloon or EX of the same year or Honda City LXi of the same period.
Suspension problems kadalasan pero you'll hear servo problems (I assume that this is fixed during the 2000 update) rin. I suggest to check other alternatives or baka magsisi ka sa huli.
BTW, what Lancer variant are you checking? GL, GLX, MX?
200k would get you 1997-1999 Lancer pizzas, only a few with the 200k mark, not including repairs.
bring your own mechanic
para ma check niya. kung anu yung diperenisya agad ng sasakyan.
kung maari sir wag kang bibili sa buy and sell .dapat sa tao para sure sa buy and sell kasi minsan mga laspag dinadaya nalang ang odo meter. at pinapakinis mag mukang fresh ang unit
kung glx sir makakabili ka ng 2001 glx . 200k
yung akin 2001 glx nabenta ko nung 2009 ata 220 ko nabenta.
peru kung ako sayu sir gls bilin mo takaw sa gas glx karburador kasi :D
ok din ang toyota love life makakbili ka ng 1998-2000 200k pataas
4-6 months mo na nga lang magagamit baka hindi mo pa ma-enjoy. It's a good car, yes.. pero wouldn't want to gamble especially the car having a notorious suspension and aircon (sabi mo) issues.
One good car would be a Toyota Corolla GLi MT (lovelife) or the Honda City Type Z.
Gustong gusto mo ba yung pizza Lancer? Alam mong may problema pero pipilitin mo parin? Baka dadami pa ang sakit mo sa ulo in the short time that you will be using the car. Suspension problems can get really pricey...
Sentra 1.6M/T nalang bro. Get the newest and in the best condition that your budget will allow. Or, you can get the City Type-Z VTi
maraming salamat sa reply, kaya lancer ang napili ko kasi mas gusto ko lng ng hitsura nya kaysa dun sa ibang brand. try ko rin tingnan ang mga recommendations nyo.
ok, kung honda city naman bibilihin ko. ano mas fuel efficient, yung lxi o vti? ano kadalasan mga problema ng city 2001? maraming salamat ulet sa mga inputs nyo.
If Honda City yung bibilhin mo, the LXi is fuel efficient by a slight margin than the VTi (emphasis on the word slight). I think wala naman kadalasan ang problems ng gen ng City na ito other than the automatic transmission sa 1.3 variants (common among Hondas during the 90s).
Kakagaling ko lang ng Baguio and I have driven the 2002 Lancer GLX of my uncle who lives there. Hindi maganda talaga ang suspension niya. I did not delve into the details na pero yung likod laging sumasayad even with just three people with an average weight of 120lbs and an empty trunk. No problem naman whatsoever with the engine support. In fact there is almost zero vibration with this car.
Thanks kay TS at sa mga nagreply planning to get Lancer 2000 GL model, lower pa sa price ni TS yung offer samin 80Kmileage di ko pa nakikita yung car mismo, tuloy napapa dalawang isip ako, ano ba pwedeng alternative na tsikot na may good FC pang daily car?
i used to own a 2001 lancer mx. yung suspension sa likod e masyado malambot ang springs kaya pag may 2 full size adults sa likod e bagsak na, and pag 3 adults sayad na pag nalubak. pinalagyan ko ng donuts sa banawe ok anman na siya. siguro palitan lang ng mas matigas na springs yun mas ok pa. suggest ko lang din na additional maintenance na wala sa manual is cleaning the throttle body once a year using carb cleaner.
sold the car after 54000 km. never had a problem with a/c, servo or kalampag.