Kung 2nd hand na medyo bago bago gusto mo ito beautiful advice ko.

Panalo ang 2nd gen jazz kung porma at madali maneobrahin. Wag 3rd gen jazz kasi nasobrahan sa retoke ang kinalabasan, yung front and back bumper meron apat na kwarto para sa kuting at daga.

Pag vios yung previos gen kasi perfect pagkagawa, ganda ng likod pabilog at magaan ang andar. Yung vios ngayon eh ewan ko ano naisip nung nagdesign nyan. Parang nagpatahi ka ng amerkana pero masikip sleeves sa kaliwa at maluwag sa kanan. Mas better yung new yaris kung may makuha ka second hand.

Isa pa panalo ngayon ito 6th gen honda city. Wala ako mapintas dito. Pero pilitin ko maghanap ng mapipintas pero sa ngayon wala talaga. Kung meron ka makuha 2nd hand eh ito panalo. Ngayon lang tinalo ng city ang jazz sa porma.

So to recap
Previos jazz or yung pabilog na vios, Current yaris and 6th gen city