New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 4 1234 LastLast
Results 1 to 10 of 40
  1. Join Date
    Apr 2013
    Posts
    39
    #1
    Hi!may napili na ako n 2004 honda civic n 300k.kaso napapaisip ako na mas ok kya kung mag brand new ako.?well,gusto ko sana ang mirage n 638k worth.400k dp if mag brand new ako.
    Question:in the long run saan ako makakatipid?sa luma na cash or sa bago n installment?in the long run saan ako makakatipid?sa mga expert na marami na experience about car..need ko Super advise nyo.hehe.ty
    First car buyer ako.

  2. Join Date
    Oct 2011
    Posts
    26,787
    #2
    ^

    kung in good condition naman ang 2004 civic mas makakatipid ka cympre doon. magkano monthly mo sa mirage?

  3. Join Date
    Apr 2013
    Posts
    39
    #3
    16k a moth for 18mos.

  4. Join Date
    Apr 2013
    Posts
    39
    #4
    Ang naiisip ko lang sir e baka anytime biglang may sira kaagad ang honda.unlike daw pag bago e less worry.

  5. Join Date
    Mar 2009
    Posts
    21,667
    #5
    Di naman yan masisira kung naingatan in the first place.

    Depende yan sa previous owner eh. Kaya ipacheck mo muna sa mekaniko, patignan mo sakanya kung yung unit eh top-notch talaga. Kung hindi, eh di hanap ng iba.

    Honestly mahirap bumili ng 2nd hand ngayon, pero hindi lahat ng 2nd hand pangit. Tiyagaan lang talaga maghanap. Kelangan mo rin ng pasensya.

    Sa totoo lang kasi mas pipiliin ko yung 2004-2005 Honda Civic kaysa sa brand new Mirage. No offense pero kung in good condition yung Civic, tingin ko masasabayan pa niyan malamang yung Mirage kung patagalan ang usapan.

    Mas malaki pa Civic. Mas ok dalhin. Mas stable. Mas safe. Mas pogi. Wala eh, panalo ka talaga. Pasensyahan lang talaga maghanap ng magandang unit.

    Sa dinami dami ng Civic na binebenta diyan, imposible naman hindi makahanap ng isang okay.

  6. Join Date
    Apr 2013
    Posts
    39
    #6
    Ok sir.so pero bat ayaw nyo ng brand new ?ano ba disadvatage?may cons ba dahil hindi cash?ty

  7. Join Date
    Oct 2011
    Posts
    26,787
    #7
    ^

    Sir, ung sa akin lang, sabi mo kasi kung saan mas makaaktipid kaya i go for the civic. pero kung afford at may budget ka naman sa monthly installment at yearly pms ng mirage, eh why not go for brand new?

  8. Join Date
    Oct 2008
    Posts
    525
    #8
    nakikita ko lang na disadvantage ng bnew is it depreciates rapidly unlike yung 2nd hand civic makukuha mo na sya sa depreciated price nya. The challenges are finding out the real story why it is being sold and getting a problem-free unit.

  9. Join Date
    Jun 2007
    Posts
    1,161
    #9
    Quote Originally Posted by empress20 View Post
    Ok sir.so pero bat ayaw nyo ng brand new ?ano ba disadvatage?may cons ba dahil hindi cash?ty
    hindi kaba manghihinayang sa monthly payment?
    samantalang sa 2nd hand, as long as in good condition, wala ka ng iisipin pang bayarin.

  10. Join Date
    Jun 2013
    Posts
    179
    #10
    Quote Originally Posted by empress20 View Post
    Ang naiisip ko lang sir e baka anytime biglang may sira kaagad ang honda.unlike daw pag bago e less worry.
    kaya you have to check the 2nd hand unit before mo bilhin, kung kilala mo previous owner at nakikita mo naman kung pano gamitin eh medyo safe ka. Ako nakaranas na bumili ng 2nd hand unit, Honda ESI binili ko at sa bilihan talaga ng 2nd hand cars ako kumuha somewhere in Pasay at hindi direct sa tao.

    Unang taon wala ako naging problema, pero after nun ayun na naglabasan na. Una kong naranasan problem naputukan ako ng hose ng radiator at sa SLEX pa, bad trip talaga, Nadalihan din ako ng timing belt, etc.

    Siguro nagkataon na palpak yun nakuha ko ESI, kaya mas maganda sana kung kilala mo yun sasakyan na bibilhin mo.

    Sa brand new naman meron din iba na nakakatiyempo na may problem yun Unit, pero bihirang bihira ata yun, at kagandahan naman dyan under warranty yan kahit magkaproblema, yun nga lang hustle sa time mo.

    Pero mas less worry syempre kung brand new.

Page 1 of 4 1234 LastLast

Tags for this Thread

2nd car vs brand new??