Update: Nagpunta ako sa otis kanina (sabado) hindi daw ako pwedeng kumausap sa branch manager nila. Ang nakausap ko yung Group 6 na team leader ng ahente ko, syempre medyo mag kakilala na kami, laking gulat ko iba ang name at alpelyido nya ngayon hindi na ako nag react hahahaha, Pinaliwanag nya kung bakit umabot ng 2 months at wala paring OR CR ko, ang sabi nya nawala DAW yung CSR (Certificate of Stock Reported) ng sasakyan ko kaya hindi maipasa sa LTO kasi may kulang na requirements, By the way nakatanggap sila ng email complaint ng TMPC (Toyota Motor Philippines Corporation) nag complaint kasi ako sa sobrang tagal ng OR CR. Sabi ng Team leader pwede ko naman daw ibiyahe ang sasakyang bago kahit walang OR CR ang sabi ko wala sa batas na bumiyahe ang sasakyan na hindi rehistrado....... Hay naku. Sabi nya pa bumisita ang General Manager nila ngayon dahil sa complaint ko daw sa OR CR at aayusin daw nila sa madaling panahon (Baka may halo halong nag reklamo hindi lang ako)




Reply With Quote

