nagpasetup na ako kanina.
kickers comp vr 12" powered by V12 1057
all stock speakers powered by V12 705
hindi na ako nag crossover, meron na daw built in crossover ang HU ko, pioneer 7550. and meron din daw crossover ang V12.
ok na kaya ito? satisfied naman ako, syempre 1st setup ko
nagtataka kami, kinabit namin yung audison amps para sa mga stock speakers ko, ang bilis uminit tapos nag trip agad. pero yung V12, hindi man lang uminit. 300watts yung rated power nung audison. hindi ko lang alam ang wattage ng mga stock speakers ko.
nung una pala, meron parang pumipito sa rear speakers, lalo na pag nag rev ako. tapos inadjust dun sa HU, in-off yung HPF, nawala yung pito. pero kapag lumampas ng 4K yung rpm, meron pa rin pero mahinang mahina na yung pito. ano ba yung HPF? kelangan ko bang kabitan ng capacitor para mawala yung pito?