New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 8 of 8
  1. Join Date
    Mar 2006
    Posts
    141
    #1
    Mga bosing,

    Patulong naman po ng sound set up ng L300. Mag-DiY lang ako kasi naubos na lahat lahat ng meron ako sa pag acquire ko nito kaya di muna ako kakain ng kanin at ulam ng ilang taon at puro tinapay muna...

    1. Ilang seps ba ang kailangan ko po?
    2. 6x9?
    3. Ampli?
    4. 10" or 12"? ilan?
    5. pano pag posisyon po ng mga to? 1 pair of seps sa harap, then isa pa sa mid-front, then 6x9 sa mid back, then 12" sa likod?
    6. Pwede ba mag :***: sa loob? este, di na pala kasali yun...

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #2
    1. Seps ay usually sa harap lang (kasi andun ang soundstage). Nakakatawa iyang L300 iisa lang ang butas ng speaker nasa gitna pa ng dashboard parang mga kotse noong 1940. Yung later units naman nakalagay dun sa base ng B-pillar sa waist line ng driver at front passenger. Anak ng tinapay talagang Mitsubishi ito, oo. Yung sa amin dati, binutas yung front door panels to accomodate 5.25's na coax. Kaso minsan umaalog kapag malakas ang bass.

    Tapos after the sliding door, naglagay ulit ng speakers. Binutas ulit yung sidings dun (just before the wheelwell). Same size din ata nilagay. Umaalog din.

    Sa luggage compartment, yung mga three way na parcel type speakers naman. Parang yung mga nakapatong sa likod ng taxi. Ginawang patayo tapos kinabit sa base ng D-pillar.

    Pioneer cassette HU and Proline Equalizer. Hayop, walang SQ, walang SPL! hehehe.

    Siguro kung basic set up, ok na ang front seps, rear speakers (kahit 5.25 na woofer for rear fill) and a compact powered rear subwoofer. Medyo maliit din kasi ang cargo bay. Of course you can always sacrifice some cargo in favor of a bigger box.

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  3. Join Date
    Mar 2005
    Posts
    316
    #3
    Ang mitsubishi, talaga yatang hindi nag-invest sa quality sound. May gamit akong new L200 at Pajero sa company namin. Naku po...tunog lata yung sa L200. Yung sa pajero naman, ok na sana ang tunog kaso ang bass niya madaling mapagod ang tenga mo. Advise ko, i-consider ang bass frequency below 35hz.

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    796
    #4
    Kung tight budget, invest on a good head unit tapos bili ka ng magandang klaseng seps para sa driver / passenger side doors. Put 6x9 speakers sa ilalim ng 2nd row seats. Di na muna kailangan ng amp kasi basic setup lang naman yan. Kaya lang, as per my experience, mas maganda tumunog ang 6x9 speakers pag malaki ang enclosure.

  5. Join Date
    Mar 2006
    Posts
    141
    #5
    Quote Originally Posted by kupaloids View Post
    Kaya lang, as per my experience, mas maganda tumunog ang 6x9 speakers pag malaki ang enclosure.
    Sir kupaloids, yung area under the 2nd row seats, considered malaki na ba yun for the 6x9? Any feedback po kung 2 pairs of 6x9 ang gagamitin ko so as not to compromise yung napakalaking cargo area ng L300 po?

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    796
    #6
    Di ko sure kung ok na yung space for 2 6x9's. May kilala ako dati na yung 1st row at second row ang nilagyan nya ng 6x9. That means, tig isang baffles per seat. Ok naman tunog.

    2 12" Targa kasi gamit ko dati sa L300 VV ko.

  7. Join Date
    Mar 2006
    Posts
    141
    #7
    Pwede po papost ng pictures ng L300 set up nyo? Kahit pa-email na lang sa edalbau*yahoo.com fleas fafi...

  8. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    153
    #8
    yung l3oo namin targa ang seps, tweeter nya nasa dashboard magkabila. yuna speaker na nasa gitna, as is yun. di ko pinalitan, nasa likod yung woofer 12 inches nasa box sya binili ko sa raon 2.5t pati box, yung seps 1.1t, yung audio cable 700, sa raon din. ang hu ko kenwood mp-433, with mp3. pinainstall ko 800 pesos. ganda tumunog.

Sound set up ng L300