ok ba sound quality and may be lifespan ng proline and/or daewoo headunits na may sd slot and usb? kung sino man nakagamit na or gumagamit na nito, any feedbacks good or bad will be appreciated. thanks.
ok ba sound quality and may be lifespan ng proline and/or daewoo headunits na may sd slot and usb? kung sino man nakagamit na or gumagamit na nito, any feedbacks good or bad will be appreciated. thanks.
i think mas sulit if you just get a low end pioneer instead...sound quality will almost always be better than even high end prolines...i should know meron kme benta proline dito pangit talaga hehehe
how about daewoo headunit, may nakita ako kanina sa blade 6,799 price nya, sd slot, usb and aux in, ok na kaya yun yung durability and sound quality lang naman ang habol ko. stock naman speakers ko, nasira na kasi stock alpine headunit ng kotse kaya palitan na, ayoko ko lang yung mahina, parang imbalance yung tunog or parang sabog(mastatic) thanks ulit. basta katamtamang klaro lang.
hmm im not familiar with daewoo headunits pero for 6.8k may makukuha ka nang medyo ok na pioneer headunit, kahit yung previous models lang..sulit ka masyado nyan sa sound quality..pero im not sure if may usb, sd slot or aux in..
IMO lang kung gagastos ka rin ng almost 7k, dun na sa ok na brand![]()
yun nga lang, i have no question regarding sa pioneer sound quality and durability kaso hinahanap ko talaga yung may sd slot, usb at aux in para wla ng paburn burn pa sa cd, kung sa pioneer na ganun ay aabot na probably sa double digits ang price nun. yung sa daichi sa megamall naman na foryou yata ang brand nasa 7k something din ang price pero may mga kaibigan ako na nasiraan din agad ng unit na yun. sa tingin niyo, take risk ko na itong daewoo headunit na to?
tingin ko kasi yang daewoo or foryou baka parehong made in china, uso kasi mga HU na ganyan na kumpleto sa features tulad ng sd slot, usb slot etc etc kaya sulit talaga on paper..dun lang sa reliability ang malaking question mark.
take the risk if worth it para sayo ang features, hingi ka nalang at least 6months warranty or 1 year if meron. pero basta china made units labo labo warranty claim dyan e..
ok ty sir BB.. take risk na lang at magfeedback nalang ako dito sa magiging exp ko, kumbaga guniea pig ako sa HU na to, kung maganda at ok, recommend ko sa thread na to at kung hindi naman (wag sana) ay fedback parin ako dito para di na tularan pa ng iba.. mahal na testing exp to 6,799 hehe...
if you have the time, you can buy proline or audiomobile brands sa raon at 3.5K. I know kasi i bought mine there. so far 6 months na yung unit and no problems (knock on wood).
uhmm.. di ako sure kung makarating ako sa raon. parang di safe yata dun e hehe.. pero nabasa ko nga sa isang thread na ok mga feedbacks ng mga tsikoteers regarding sa audiomobile na yun, bukod sa raon may iba pa kaya na pwedeng mabilhan niyan kahit nasa 5k, mga qc, pasig-ortigas, mandaluyong area. ty
medyo delikado nga kung di ka pa nakakapunta doon. but kung pupunta ka low profile ka lang and canvass-canvass lang.
if you want you ncan try jeff tan's shop sa araneta ave.
thanks. check ko nalang din yung sa araneta na yun kaysa sa raon at baka umuwi pa ako ng may tubo sa tagiliran hehe.. what is extra 1k-2k kung safety ko naman ang kapalit.. pero i'm really considering yung daewoo na ito, risk ko nalng talaga
proline equalizer booster!! :clap:
best. car audio. evar.
hehe. but seriously, prolines are very low quality. spend a little more and get a pioneer if you're really on a budget.
ipon ka nalang ng konti mag pioneer ka or alpine di ka magsisisi!
kukuha ka ng halagang 3.5k tapos di ka masisiyahan sa tunog de papalitan mo rin de dito ka na sa sigurado isang bilihan and labor nalang
try mo yung mga entry levels ng alpine around 6k, malaki diffrence ng tunog nito kesa sa mga sinabi mong brands
pero kung type mo talaga yun nasyo na rin nasahuli ang pagsisisi![]()
actually narinig ko na yung daewoo na hu sa adventure ng kaibgan ko, ok naman yung sound quality, yun nga lang gaya sa mga nauna kong post na ang alpine or pioneer na head unit with sd slot, usb and aux in costs more than 10k.
think di mo na kailangan ng USB SD slots kung MP3 capable na yung HU mo! Sound quality pa naman habol mo diba, malaki ang losses ng mga ganyang audio formats
pioneer na lang sir kung 6.8k din budget mo.. proline medyo bitin sa bass para sa kin..
thanks sa mga reply at suggestions niyo, actually medyo nagalangan ako bigla na bilhin yung daewoo headunit at cross out ko na talaga yung proline sa listahan ko, i'm eyeing now yung sa pioneer na deh p9650mp, kaso di ko pa alam kung magkano at san makakahanap nito, i could only extend my budget up to 9k.. kung may nakakaalam sa inyo kung san nagbebenta nito, pakipost nalang dito. thanks.
9xxx series na pioneer? parang high end na ata na model yan...baka malabo ang 9k na budget..maybe older model like 9550 or 9450 sakto..but not really sure.
eto ba ung may color screen? ok yan :cool:
oo eto nga yung nakita ko sa old magazine ng kapatid ko, 2005 pa yata to if i'm not mistaken. yung may motorized flap panel para lumabas ung 3d colored graphics display niya simple lang itsura pagnakaclose di halatang mamahalin, di ko alam kung san makakahanap nito pero sana medyo mababa lang price niya sana mga 11k na max para makautang pa ko ng 2k hehebinabasa ko mga review nito lahat 5 stars walang sablay. kasi naisip ko din since bibili na rin lang ako ng hu, at minsan lang naman bakit di ko pa sulitin. anyone who knows please post ninyo nalang po dito. thank you.