Tsikoter, Please help my Kia pregio Alpine Car stereo Code? during switch on, try to press other botton are not function, only numeric key are functioning, meron na bang naka encounter ng ganitong problema......anu kaya ang code?
Tsikoter, Please help my Kia pregio Alpine Car stereo Code? during switch on, try to press other botton are not function, only numeric key are functioning, meron na bang naka encounter ng ganitong problema......anu kaya ang code?
SIr, wala na pong manual ang sasakyan!, kung sakali pa-anu ba tanggalin ang car stereo, plano ko bumili na lang kahit yon mu-murahin lang sa raon para pamalit, ang lunkot din ng tahimik ang pag lalakbay tangin tunog lang ng makina at busina ang maririnig mo... huhuhu
Kapag wala ang code useless na yan. Pag bumili ka nang bagong stereo mo doon mo narin ipa install.
agree ako with v6...bili ka na lang ng bagong hu sayang sana kun andyan pa ang manual nakasabi doon ang code....ask ko bakit nag ask ito ng code?...
nasubukan mo na din ba i-disconnect ang power supply ng stereo? or mas maganda kung tanggalin mo muna sa battery terminal ang ground wire para ma-reset talaga ang stereo mo. Alphine din kasi ang nakakabit sa pregio ko pero hindi ko pa ito na-encounter? or possible din na may sira na ang stereo mo.
kung tatangalin mo yung stereo kailangan mo baklasin ang black panel na pinagkakabitan ng stereo. naka-pin lang naman yung plastic panel na yan but befor you take it out kailangan mo muna unahin yung black plastic sa itaas ng car stereo - ito yung hanggang sa steering wheel. tungkab lang yan pero dun sa may part sa manibela may screw na kailangan tanggalin. Once na natanggal mo na yung top portion masusungkit mo na yung housing ng car stereo. Medyo light force lang iapply mo kapag nagsungkit ka kasi madali mabali ang plastic na yan.
buti pa sa inyo ALIPINE ANG nasa pregio nyo
bakit sa akin ang panget BLAUPANKT ba yun???
Yong code ay anti theft protection na kapag ninakaw ang stereo o kaya tinanggal mo ang electricel power ng kotse yong stereo ay mag set sa safe mode meaning temporarily na hindi ito tutugtog at may message na code. Kailangan na ipindot mo yong code number ng stereo para itoy gagana muli, kung wala sa iyo yong code...bye,bye.
OT lang po++
master esnie naidaan mo na ba sa malalim na baha yan pregio mo?
naidaan ko kasi sa baha dati yung pregio namin medyo malalim natandaan ko aabot na cya sa floor ng pregio , so dumaan ang araw nung na pa change oil nalaman ko pala na ang air cleaner ng pregio nasa ilalim? hindi kaya nakainom ng tubig baha yung air cleaner ng pregio ?
Ayos ang Pregio ah... parang BMW ang HU, may code pang nalalaman. hehehe...
btw, it should be available sa HU manual mo. Or yung brochure for the stereo that comes with your car.
king bibili ako ng bagong car stereo na bago, mag kano kaya ang pinaka mura na sempre okey din quality.....mas maganda kung may mp3 na!
ALAM Mo bro bagay sa pregio yung 2DIN stereo kaso di bagay sa kanya ang 2 DIN na may tv monitor dahil 1 & second row lang ang makakakita kung puno ka pa baka yung katabi mo lang ang maka panuod mas maganda stereo na dvd player tapos meron kang PILOT MONITOR sa cieling mo inquire ka sa AVT ?
o kaya wait mo yung sinasabi ni master V6dreamer
Bro, Nag try ako na kalikutin hope na may loss connection lang ang wiring sa likod ng car stereo at gumana din naman at nawala ang CODE na error pero after a while or minute bumalik ulit ang CODE error sa display ng car stereo, nag decide ako mag kambas na ng unit pero pioner pa lang ang pinaka mura na nakita ko na okey ang specs sa akin, CD/MP3, may aux in, FM/AM 4 channel/52watts output at free installation pa sa halagang 3700pesos na brand new hindi na rin siguro talo sa halagang ito, pero still nag hahanap pa din kung may maganda pang option....wish me luck
yes naidaan ko na lubog ang buong gulong nung nasa valenzuela ako, inabot ako ng malakas na ulan. nung time na iyon nagdasal ako kasi nga nasa ilalim ang housing ng air cleaner mabuti na lang at maganda pa ang rubber ng housing kaya hindi pinasok ng tubig. Sabi ng mekaniko hanggat maaari huwag daw natin isulong sa baha kung lagpas 1/2 gulong.
Siguro naman sir aga hindi nabasa air cleaner kasi kung nabasa man maaari huminto ang makina ng pregio mo.