New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines



Page 1 of 4 1234 LastLast
Results 1 to 10 of 31
  1. Join Date
    Sep 2008
    Posts
    88
    #1
    May problema ako nitong nakaraang tag-ulan. Walang bubong ang garahe ko kaya gumagamit ako ng car cover pangontra sa alikabok at mga pusa. Double Car cover pa nga ang nilalagay ko incase umulan ay tuyo parin yung nasa ilalim.

    Pero last time na sobrang ulan ng gabi ay nabasa sya ng todo at nababad. Kinaumagahan ay tinanghali ako ng gising at pagising ko ay tuyo na ang cover. Pagtanggal ko ng cover ay madaming white marks sa bubong at hood ng kotse.

    Paano kaya tanggalin ang ganyan? yung DIY muna sana.

    *Hindi ko alam kung bakit pero minsang nababad siya sa ulan ay nawala ang marks pero noong natuyo ay bumalik ulit. (Same marks)

  2. Join Date
    Mar 2004
    Posts
    2,053
    #2
    Try mo muna gamitan ng Cleaner-Wax.

    If that does not work try Clay, then Cleaner Wax.

    On my car's paint, Cleaner-Wax works well in taking out sun-dried rain from my hood, roof and trunk.

  3. Join Date
    Sep 2008
    Posts
    88
    #3
    I tried waxing, pero hindi yata cleaner wax yung wax ko. Hindi sya nagana. Bukas maghahanap ako ng cleaner wax, ano po recommended nyong brand?

    About sa clay naman, hindi pa ako nakakasubok gumamit ng clay. Wala kasi ako mabilhan ng clay sa amin.

  4. Join Date
    Sep 2008
    Posts
    88
    #4
    Nag wax na ako ng Mother's Carnuba Cleaner wax. Ang mahal pala nito.

    Pero parang walang nangyari? Parang lalong nakita yung mga marks dahil kumintab sya. Agad-agad ba sya matatanggal or kelangan pa ng konting time?

  5. Join Date
    Mar 2004
    Posts
    2,053
    #5
    Check mo muli yung paint.
    Try to determine kung water mark or water etch yan.

    Kung parang naka alsa or nagtutong -- water mark yan. Kailangan ng konting elbow grease at pasensya bago matanggal. Wag mo madaliin. Mas okay kung one small section at a time per day para hindi nakakapagod.
    Kung parang nakalubog sa loob ng paint, water etch etch. For this, you may not be able to completely remove. Ipatingin mo na lang sa detailer ito.

  6. Join Date
    Feb 2008
    Posts
    577
    #6
    questions

    how old is the paint?
    is it still orig or repainted?

    kapag orig paint kasi matigas yan. kapag repainted, medyo malambot na. kapag matagal na yung pinta, baka manipis na.

    in any case, start from the mildest approach first. if you are a diy person, i suggest clay and paint cleaner. cleaner wax is NOT a pure cleaner. its an all in one product cleaner + wax.

    if the watermarks cannot be removed, its already water etching. you can use meguiars scratchx 2.0 or for worst cases, meguiars ultimate compound.

    as much as possible, don't dive into wetsandiung and polishing kung kaya naman ng compounds and elbow grease.

  7. Join Date
    Sep 2008
    Posts
    88
    #7
    Yung car paint is orig paint parin yun. Mga 13 years old na yung paint.

    Parang nakalubog na sa loob ng topcoat yung marks kaya siguro hindi naalis ng wax. So siguro water etch na sya?

    May unusual na nangyayari sa mga marks tuwing nababad ulit sya sa ulan. Nawawala yung markings, then kapag natuyo na ulit, nabalik na ang markings.

  8. Join Date
    Sep 2008
    Posts
    88
    #8
    Nakahiram din ng matinotinong kamera...

    Eto po mga nakuha kong pics.

    Dito sa unang picutre. Kung mapapansin nyo itong parang mga white markings na parang mapa at an-an sa skin.

    http://i3.photobucket.com/albums/y91...n/DSC00186.jpg



    Dito naman po sa second pic, hindi masyadong pansin pero may white markings din yan tulad nung nauna.

    http://i3.photobucket.com/albums/y91...n/DSC00187.jpg



    Pasensya na po at medyo hindi gaano maganda ang kuha dahil sa reflections at pangit yung camera.

  9. Join Date
    Feb 2008
    Posts
    577
    #9
    Quote Originally Posted by Para Ordenance View Post
    Yung car paint is orig paint parin yun. Mga 13 years old na yung paint.

    Parang nakalubog na sa loob ng topcoat yung marks kaya siguro hindi naalis ng wax. So siguro water etch na sya?

    May unusual na nangyayari sa mga marks tuwing nababad ulit sya sa ulan. Nawawala yung markings, then kapag natuyo na ulit, nabalik na ang markings.
    based sa description mo, that's already water etching. what you should do here is meg's ultimate compound. if things don't get significantly better, then wet sanding and polishing will do the trick. pero hanggat maari, kung kaya ng uc, uc nalang.

    actually, mas ok ang walang car cover kung asa loob ka naman ng gate. just wax it frequently and don't let rain water dry. buhusan mo ng fresh water, then wipe it dry.

  10. Join Date
    Sep 2008
    Posts
    88
    #10
    As much as possible na ayoko lagyan ng cover, pero magagasgasan lang sya ng mga pusa. Hindi naman namin sila pusa pero tuwing gabi eh nag-eenjoy sila pumatong sa hood ng mga sasakyan.

    About po sa ultimate compound, ano ang pinagkaiba nya sa rubbing compound. I had a bad experience kasi sa rubbing compound, lalong nagasgas yung paint and nawala ang gloss.

    Tama po kayo, hanggat maaari ay ayoko ng masyadong harsh sa mga paint. Gusto ko sana magpunta sa detail shop dito sa amin, pero wala akong tiwala sa kanila. I had a friend na nagpadetail ng auto nya, pero hindi ako satisfied sa nangyari, parang lalong lumala.

Page 1 of 4 1234 LastLast
Wartermarks from dried-up car cover