Mga sir para san po ba ito?
may one year na rin unit ko di ko pinaundercoat kasi sabi nga sakin may coat na yung sasakyan pagkalabas pa lang ng factory. check ko na lang din next maintenance kung kelangan na ba ipaundercoat.
*raycon_24: i understand for brand new, no need. how about for a 10 yr old+ used car?
Yes, brand new vehicles is an exemption, as others stated, may factory undercoat na yan.
I own a 90's sedan, when i got it years ago, hindi ko napaangat yung sa gasoline station or anywhere na may lifter,
I didn't thoroughy checked yung condition underneath, and later i found out na may kayod pala ang ilalim and exposed na yung yero,
Worst may butas na sa chassis kasi rusted out na. Pinarepair ko sa latero and right after, nagpaundercoat na ako. Then i bought the rattle can for some touch ups pag inaangat auto.
Ngayon worry free na ako. Panget tignan nung butas ang chassis, ngayon all black na.
A fully cured undercoat is not sticky btw.
Sa mga gusto, suggested ko na ngyong summer magpa-spray underneath para mabilis matuyo,
pagkatapus i-underwash, ipa-buga nya ng maigi ng pressurized air para tuyong tuyo and wala ng basang area bago magapply,
Dapat walang moisture or damp area between the undercoat tsaka ng yero para kapit na kapit.
2yrs na undercoat ko and it seems to hold up pretty good until now.
Sorry for bumping this pero ayoko na gumawa ng thread.
Nagpa underwash ako kanina, binugahan ng kerosene un parte ng front wheel wells ko. Natatanggal un undercoat galing sa casa, silver na coating pagka tanggal nung black coating na mala grasa. Walang third party undercoat un kotse mula lumabas ng casa.
Dapat na ba ko magpa undercoat? Salamats