Guys tanong ko lang pano ba maiiwasan ang kalawang sa sasakyan. Kasi may tatlo na kami naging sasakyan at lahat nagkaproblema sa kaha dahil nagkakalawang. Ngayon may plan kami bumili ng bagong sasakyan ang kinakatakot ko baka after a year lang may kalawang na sa kaha. Galing sa deep well ang tubig namin at mejo maalat ang tubig kaya siguro nagkakalawang sasakyan namin. May paraan ba para maiwasan ito. May treatment ba sa tubig para mawala yung alat sa tubig. At ano pa kaya ang sanhi maliban sa maalat na tubig. Tnx in advance