sorry. kaka log-in ko lang.

washover or hilamos: ito po yung process na kung saan e liha-buga lang. liha ng konti then buga ng kulay at top coat. kadalasan din labas lang ng sasakyan. eto po yung murang mga presyo. nasa 12k to 18K. walang bulok na aayusin. hilamos lang talaga. kadalasang ginagawa bago ibenta sasakyan. hidi tumatagal ang kintab sa ganito. may mga talyer na hindi nagbibigay ng warranty sa ganitong trabaho.

repainting: yung process na kinakalas lahat. nililiha ng sagad or scrape yung ibang portion. nag sisimula uli sa primer. mas matibay yung ganitong proseso. naglalaro naman presyo nito sa 20k to 35k. meron pang umaabot ng 40k. depende kasi sa brand na gagamitin.

iba pa din yung scrape to metal. akala kasi ng iba e pare-pareho ang sistema ng pagpipinta. kaya minsan nagpahilamos ng sasakyan yung iba, then magtataka kung bakit less than a year e nag bakbak or di na maganda pinta.