Buhayin ko po itong thread na ito.....
Meron po kaming nabili na ganito rin (1997 Honda City EXI). Yung lady owner ay maga-abroad at nangailangan ng pera.
Yun pong rims niya eh 17" (kapapalit lang, bago pa). Pero, as per my wife, pag sinakyan daw po ng passengers yung back seat, medyo nakaangat daw yung unahan!

Since nabili na namin ito, balak naming palitan o i-trade ito ng mas maliit na rims/tires.
Ano po ba ang tamang size ng tires and rims na bagay sa Honda City EXI? Yung hindi magsa-suffer yung ride, in terms of suspension, fuel efficiency, speed, etc.? At di sasayad kung fully loaded yung unit. Balak ko sana 15" or 16" rims. Sa tires ano pwede? Pwede po ba yung medyo low profile para may "porma" ng konti?
TIA