napatakan ng Pintura yung Mirage ko habang naka-park kanina near court of appeals.
Sa me street lang ako nag park and Mukang nag pintura ng poste yung mga "kulokoy" ng Barangay. :arghhh:
Anyways, approx 2 x 1 cm yung mantsa ( yellow color ) sa me left passenger door.
Ano po magandang remedyo dito?
diy ang nais mo ngunit sakit ng ulo ito kapag sumobra sa mantsa ang matanggal at masira ang kulay. ikaw ang nakaaalam ng kakayahan mo. eto ang mga pwede mong gawin:
kung nasa may tupi ng bakal ang patak, dalhin na sa detailer.
maingat at may kuntrol.
subukan tanggalin ng kuko o mala blade na plastic o ;
wetsand 1500-2000 + scratch remover. ibabad ang liha ng 1 oras bago gamitin at ibalot sa pantay na goma. gawin ito ng sobrang ingat, huwag idiin. delikado kapag ginanahan, baka sumobra. di bale abutin ng mahigit 2 oras sa maingat na kaskas, hugas, tuyo, kilatis. para hindi "destroy" IY
kapag natanggal na ang yellow, maingat pa rin na pakintabin ng scratch remover
nasa tupi/tiklop ng bakal ba ang pintura? hindi naman gaanong didikit yan dahil makinis ang dinapuan. pwede rin yan sa pintor dahil mas kabisado nila ang pintura. ang detailer naman mag-iingat upang balik sa dati ang resulta.
basta huwag silang humingi ng katumbas ng repaint ng isang panel na 2000+ Php