mga sir, hingi ako ng advice. napag-utusan kasi ako ni erpats na ipa-"detail" yung white sentra niya. madungis na kasi tingnan. medyo manilaw na, may mga nangingitim na part (parang sa mga grasa at dumi ng kamay ng mga mekaniko pag nahawakan yung pintura), tska may parang mga mantsa na talaga. ayaw na maalis sa regular car wash. ano kailangan ko para matanggal yung nangingitim at mantsa na part? kahit hindi naman sobrang shiny at white na white, basta mabawasan lang yung dungis. start ako sana sa safest at DIY muna then mag-progress ako from there..
sensha na mga sir, newbie question. TIA sa mga mag-rereply.