tanong ko lang po kung ano po ma-suggest nyo. kasalukuyan po kasing nasa pagawaan kotse ko dahil may mga pina-pintahan akong mga panels na may mga gasgas at dents. meron pa po kasing parte ng kotse ko na may maliliit na gasgas na hindi ko ipapagawa dahil sa kakulangan sa pondo para mapa-hilamusan ito. balak ko po sana na ipa-exterior detail na lang para mabawasan ng konti. pero nai-suggest po sa akin ng pinagpapa-gawaan ko na pwede rin nilang i-buff na lang sa kaunting karagdagang halaga. tanong ko lang po e ano po ang pros and cons ng pagpapa-buff kumpara sa kung ipa-exterior detail ko na lang. magkano po ba magpa-exterior detail? ang singil po sakin para mai-buff e 3K. revo po sasakyan ko.