New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 9 of 9
  1. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    125
    #1
    tanong ko lang po kung ano po ma-suggest nyo. kasalukuyan po kasing nasa pagawaan kotse ko dahil may mga pina-pintahan akong mga panels na may mga gasgas at dents. meron pa po kasing parte ng kotse ko na may maliliit na gasgas na hindi ko ipapagawa dahil sa kakulangan sa pondo para mapa-hilamusan ito. balak ko po sana na ipa-exterior detail na lang para mabawasan ng konti. pero nai-suggest po sa akin ng pinagpapa-gawaan ko na pwede rin nilang i-buff na lang sa kaunting karagdagang halaga. tanong ko lang po e ano po ang pros and cons ng pagpapa-buff kumpara sa kung ipa-exterior detail ko na lang. magkano po ba magpa-exterior detail? ang singil po sakin para mai-buff e 3K. revo po sasakyan ko.

    salamat po!

  2. Join Date
    Mar 2006
    Posts
    1,577
    #2
    The price is albeit high. Exterior detailing is PhP 1900 sa Evangelista... Kung galing kang Edsa-Magallanes, lampas lang ng onti sa magkatapat ng Jollibee at Mcdo at left side nandun un.

    Buffing meron din akong alam na PhP 800 lang.

    Dunno the difference sa terms. Nag-aaral pa kasi akong detailing sa mga thread dito + Master dehadista. Hehe... =D

  3. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    3,231
    #3
    almost talking about the same thing.

    what do you mean by exterior detail? wax? polish? cleaning? or the whole thing?

    kasi when you say buffing, that's part of detailing; parang polishing ang dating nyan.

  4. #4
    hindi ba kasama ang buffing sa paint process?

    Anyway mahal ang singil, kung polish/buff lang. Sa labas ka na lang magpa detail.

    Buffing like what dehadista said is similar to polishing, compounding, or whatever term people use, purpose of it is to level out light scraches so that it won't be visible.

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    15,528
    #5
    actually, the carwash that i frequent to carries the buffing services. wax lang ito tsaka parang buffing using a machine (hand buffer). price is around 300 pesos.

    tama si ild, buffing kasama na yan as after services after painting ah. if i remember it right, when i had by ex-singkit painted over, may one day na buffing para daw makintab.

  6. #6
    Yup buffing and wetsanding is done to smoothen out the paint also matanggal/mabawasan yung "Orange-peel"...

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    125
    #7
    salamat po sa mga replies ninyo. hindi po kasi buong kotse yung pina-pinturahan ko kaya inaalok ako na i-buff yung buong kotse kasama yung mga hindi napinturahan e. pero tama po kayo. mukhang medyo mahal nga yung singil sa akin na 3k kung ang pinag-uusapan na lang na i-buff e yung hindi napinturahan.

    maghanap na lang po ako ng magandang detailing shop para madala yung kotse ko pag tapos na yung pagpi-pinta. base sa mga sinasabi nyo e mas mura nga na magpa-exterior detail (wax, polish).

    salamat po ulit sa mga replies.

  8. Join Date
    Apr 2004
    Posts
    450
    #8
    Quote Originally Posted by batang_raon14
    Buffing meron din akong alam na PhP 800 lang.

    OT where is this???

    tia!

  9. Join Date
    Mar 2006
    Posts
    1,577
    #9
    *v22

    Napost ko po ung shop sa thread "san magandang magpahilamos ng paint". Kung taga-south ka po, it's along Dona Soledad Ave., Betterliving, Paranaque. =D Biares auto paint shop po pangalan. =D

Exterior Detail or Buff?