May problema ako nitong nakaraang tag-ulan. Walang bubong ang garahe ko kaya gumagamit ako ng car cover pangontra sa alikabok at mga pusa. Double Car cover pa nga ang nilalagay ko incase umulan ay tuyo parin yung nasa ilalim.
Pero last time na sobrang ulan ng gabi ay nabasa sya ng todo at nababad. Kinaumagahan ay tinanghali ako ng gising at pagising ko ay tuyo na ang cover. Pagtanggal ko ng cover ay madaming white marks sa bubong at hood ng kotse.
Paano kaya tanggalin ang ganyan? yung DIY muna sana.
*Hindi ko alam kung bakit pero minsang nababad siya sa ulan ay nawala ang marks pero noong natuyo ay bumalik ulit. (Same marks)
Check mo muli yung paint.
Try to determine kung water mark or water etch yan.
Kung parang naka alsa or nagtutong -- water mark yan. Kailangan ng konting elbow grease at pasensya bago matanggal. Wag mo madaliin. Mas okay kung one small section at a time per day para hindi nakakapagod.
Kung parang nakalubog sa loob ng paint, water etch etch. For this, you may not be able to completely remove. Ipatingin mo na lang sa detailer ito.
in any case, start from the mildest approach first. if you are a diy person, i suggest clay and paint cleaner. cleaner wax is NOT a pure cleaner. its an all in one product cleaner + wax.
if the watermarks cannot be removed, its already water etching. you can use meguiars scratchx 2.0 or for worst cases, meguiars ultimate compound.
as much as possible, don't dive into wetsandiung and polishing kung kaya naman ng compounds and elbow grease.
Water on the car's surface acts as a magnifying glass. Kaya pag nabasa ng ulan then naarawan ay nagkakaroon ng watermarks. I usually ignore it. Kasi ilang washing lang (i seldom go to a carwash . . . more of a DIY) using the Turtle Wax shampoo at least once a week ay natatanggal din. Then I use Turtle Wax CLEANER WAX every 4 months.
Pero pag malala na e you might want to visit a specialty shop for some buffing job.