Marami nang nakukuhang impormasyon sa www tungkol sa Jeepney o "PUJ", pero kokonti ang info tungkol as "Owner Type Jeep" (tawagin nating "OTJ" for short).
Kung may alam kayo tungkol sa mga sumusunod, paki-post lang po sana dito sa research thread natin.
History : Ano ang kasaysayan ng OTJ? Sa inyong palagay, 'Original pilipino vehicle' (OPV) ba ang OTJ? Sino ang nag-imbento nito? Saan ito ginagawa? Mabili pa rin ba ito? Ano ang halaga nito sa buhay ng pangkaraniwang Pinoy? atbp ... Variations : Ano ang iba't ibang uri ng OTJ? atbp ... Dimensions and Specifications : Ano ang mga sukat ng OTJ? Ano ang specs nito? Meron bang available blueprints ng OTJ? atbp ... Uses : Ano ang iba't ibang gamit ng OTJ? Gaano kabigat ang kaya nitong load? Ilang pasahero ang kasya sa OTJ? atbp ... Reliability : Mapagkakatiwalaan ba ang OTJ? Ano ang experience ninyo? atbp ... Durability : Gaano katibay ba ang OTJ? atbp ... Maintainability : Mahirap bang alagaan ang OTJ? Affordability : Magkano ba ang OTJ? atbp ... Evolution : Pwede pa kaya mabibigyan ng bagong anyo ang OTJ? Mapahusay pa kaya ang disenyo at pagkayari ng OTJ? atbp ...
Rave : Bakit kayo bilib sa OTJ? Rant : Ano ang reklamo niyo sa OTJ?
At kung gusto ninyong ipagmalaki ang OTJ ninyo, walang-hiyaan dito. Tayo tayo lang naman.