New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 3 123 LastLast
Results 1 to 10 of 23
  1. Join Date
    Nov 2006
    Posts
    96
    #1
    may pagkaka-iba ba sila o pareho lang ito? thanks!

  2. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    217
    #2
    sa pagkaka-alam ko...

    radiator flushing - eto yung ide-drain mo yung coolant several times until maging malinis na yung lama ng system. the only thing na kakalasin mo lang is yung cap, drain plug and air relief plugs.

    overhaul - babaklasin yung radiator mo to clean the fins para matanggal ang bara.

  3. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    1,973
    #3
    sa overhaul they just remove the top and bottom to clean the tubes. alis lahat ng bara at kalawang.

  4. Join Date
    Nov 2006
    Posts
    96
    #4
    ah ganun pala yun.. magkaiba nga. malamang nagoyo na naman ako! badtrip tlga! nagpa flush and clean ako sa DENSO jan sa may Pasig Auto Camp malapit sa Metrowalk. pero nakalagay sa resibo, radiator overhaul. ang pinagtataka ko pa, nakalimutan ko kasing ibigay yung susi ko nung umalis ako sandali para kumain kasi lunchtime yun at ang sabi nila mga 2 hours daw un. eh nabasa ko proseso sa radiator flush, kailangan pla i-on yung engine, ano kaya ginawa dun dba? saka after 1 hour lang bumalik nako tapos na daw!? nung tinignan ko naman, mukhang wala ng bara, nag-flo-flow na yung tubig, so inisip ko, baka nga nai-flush na yung mga kalawang.. ewan ko lang bka iba proseso nila..

    pero ingat ingat parin jan sa may DENSO PASIG sa may AUTO CAMP, siguro mas maganda kung nandun talaga kayo habang ginagawa AC nyo or radiator. (lesson learned again.. ) next time talaga, kay speedyfix nako at mang mario, un kasi nababasa ko dito e, papalinis ako throttle body kasi may problema na idling ko, baka kaya pa sa cleaning ng t/b. tpos papalinis narin ako AC kasi humina na lamig, magkano kaya kay mang mario?

    pano ba proseso ng radiator overhaul? baka i-DIY na lang ng daddy ko. naaawa na kasi sakin dad ko eh, lagi na lang ako nagogoyo! hehe! ipapa ulit ko na lang kasi baka di maganda pagkaka linis. pwede kaya un? pano ba radiator overhaul?

    thanks ulit!

  5. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    217
    #5
    hindi ka naman cguro nagoyo. nung nagpa-overhaul ako ng radiator, wala pa 2 hours tapos na.

    as you have stated, okay na yung flow ng coolant. sa flushing kasi, parang coolant lang ang pinalitan pero not necessarily na natanggal yung bara.

    kaya i-DIY yung flushing. yung overhaul, medyo mahirap esp kung kulang ang gamit.

  6. Join Date
    May 2007
    Posts
    2,328
    #6
    Quote Originally Posted by viepink View Post
    may pagkaka-iba ba sila o pareho lang ito? thanks!
    Radiator flush ay papalitan nila ang bagong fresh coolant. Ang paggawa niyan ay ganito. First drain the old coolant from radiator filled up w/ fresh water start the engine turn your heater (high) to circulate the old coolant from your heater back to your radiator. Turn off engine, drain radiator filled up again w/ fresh water. Same procedure. After all the cleaning filled radiator w/ fresh coolant and distilled water. Check level.

    Radiator overhaul is to remove the radiator from the car, soaked to acid cleaning solution to remove all the rush, paint into your radiator then blow with air pressure at the same time they tested also with leak. If no problem, they repaint your radiator.Once it finished your radiator looks brand new again.

  7. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    2,975
    #7
    ^^^ Nasagot na ni v6dreamer yung sa flushing. In addition, they normally use a radiator flush (Whiz, Abro or Prestone) to efficiently remove particles inside your radiator.

    Re: radiator overhaul, in the local setting, tatanungin ka muna kung top or bottom overhaul. Kung top, yung upper part yung tatanggalin, lilinisin ng acid (basically stripping away the paint), tapos dudutdutin yung mga holes with a flat metal rod (converted oil dipstick yun) to declog it. Kung bottom, yung bottom part ang lilinisin tsaka dudutdutin. Kung general overhaul, both upper and lower parts are removed. Tapos, leak-test na nila kung walang butas (sometimes manual sila, bibig ang ginagamit pagbuga ng hangin). Sabay salpak ulit sa car. More or less, 1.5 hours ang proseso.

    Bihira silang mag-pintura ng radiator dito pag overhaul. Madalas kasi, sa tabi-tabing radiator repair shop ako nagpapagawa. Don't know about the larger ones though.

  8. Join Date
    Nov 2006
    Posts
    96
    #8
    a ok. so flushing nga ang ginawa sakin hindi overhaul kasi di nman nila tinanggal yung radiator ko eh.. anyway, thanks sa mga nag-reply!

  9. Join Date
    Nov 2006
    Posts
    832
    #9
    Nagoyo ka nyan pag ang binayaran mo is price for overhaul pero flushing lang ang ginawa.

    Magkano ba singil nila?

  10. Join Date
    Nov 2006
    Posts
    96
    #10
    sa tingin ko nga, niloko nila ko, kasi 900 ang siningil sakin tapos nakalagay sa resibo radiator overhaul. eh magka-iba pala yun! saka duda rin ako kung nilinis nga nila ng maayos kasi nga diba kailangan sa flushing i-on yung engine? pano nila na-flush ng maayos kung naka off ang engine? so ang ending, pina-flush ko na lang ulit sa dad ko bumili na lang ako flushing. ang maganda pa, pulido talaga pagkakalinis kasi may TLC. hehe!

    tinext pa ko nung may ari, tinatanong kung ok nman daw radiator ko after ng cleaning, di nga ako nag-reply!

Page 1 of 3 123 LastLast
whats the difference between radiator flush and radiator overhaul?