2 and 1/2 months pa lang po yung sasakyan ko galing sa casa. kagabi nung pauwi ako biglang may naamoy ako na kakaiba sa kotse ko at nanggaling sa aircon. parang kulob na rubbing alcohol yung amoy. tapos kaninang umaga, wala na nung amoy pero napansin ko, pag binkusan ko yung aircon ko sa kahit anong level, parang parehong amount ng hangin yung lumalabas kahit na lumalakas o humihina yung level ng aircon ko depende kung 1, 2, 3 or 4 yung pinihit ko. yung effort ng parang fan o motor ng aircon malakas pa rin pag nasa 4 at mahina pag nasa 1 pero yung hangin pareho lang.. pero malamig pa rin po, kung nakatodo sa cool yung thermostat at umiinit pa rin pag nakatodo sa hot.
ano kayang problema mga sir? sinubukan kong maghanap sa threads dito kaso parang wala akong nahanap na kapareho sa sitwasyon ko.