New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 4 of 4
  1. Join Date
    May 2008
    Posts
    117
    #1
    I need an a/c amplifier for a 7th gen corolla. been told by my a/c repair shop that this part is no longer on the market and that the only option is to convert the thermostat control. i had bought one a few years back and it had come in a Sanden package. hoping that i can avoid any conversion and just stick to oem. ty.

  2. Join Date
    Aug 2008
    Posts
    65
    #2
    Ano pong eksaktong problema ng a/c, bakit kailangan pong palitan ang a/c amplifier? Natanong ko lang po, kasi maraming na rin akong nakita na pinalitan ng mechanical thermostat, pero wala namang problema yung elecronic control. And I am assuming na dahil sa ayaw mag "automatic" ng compressor sasabihin sira ang electronic thermostat, kalimitan naman po ay hindi talaga ito ang problema.

    Mabuti po siguro icheck ninyo ng thermometer yung center vent ng inyong a/c, set po ninyo yung blower at thermostat control sa maximum, set din po ninyo sa recirulation mode yung air vent, at least nasa 1500 to 2000 po ang rpm ng car, pakitingnan na lang po kung anong pinakalowest temperature na kaya niya ibigay, at least ma-achieve niya 4°C to 5°C, kung hindi po makaya ang ganitong temperature, may problema po ang system.(isang dahilan, hindi na vacuum ng husto, maraming moisture at air sa system).

    Paki check na rin po ng High Side and Low Side pressure kung ito ay nasa normal range, alam na po marahil ng technician ninyo kung ano yung "normal range". Pakipost na po kung ano ang resulta, para matulungan din po kayo nung iba pa.

  3. Join Date
    May 2008
    Posts
    117
    #3
    den 1106 maraming salamat sa sagot. pagmatrapik o nakaidle on at off yung compressor kahit saan mo ilagay yung thermostat control. kahit na sagad sa pinakakaliwa ang lever, ay nag on at off pa rin yung compressor. diba dapat blower na lang ang gumagana. naaapektuhan tuloy yung idle. ok sa pressure, drier at expansion valve. 1500 - 2000 rpm malamig naman ang buga ng a/c. ganoon din pagmaganda ang takbo ng trapik. naglinis na din ako ng IAC valve pero walang pagbabago na nangyari. mukhang pag idle o mabagal sa trapik lang problema talaga.

  4. Join Date
    Aug 2008
    Posts
    65
    #4
    Quote Originally Posted by goldrat View Post
    pagmatrapik o nakaidle on at off yung compressor kahit saan mo ilagay yung thermostat control. kahit na sagad sa pinakakaliwa ang lever, ay nag on at off pa rin yung compressor.
    Ang isang dahilan po nito ay sobrang taas ng discharge pressure (High Side) kaya on and off ang compressor, ito po yung trabaho ng pressure switch, para po maprotektahan ang compressor at hindi po pumutok yung ac hose.

    Quote Originally Posted by goldrat View Post
    ok sa pressure

    Ibig pong sabihin, hindi po okey ang inyong pressure.

    Pa-check po ninyo itong mga ito:

    1. Condenser and Radiator: dapat po malinis (as in malinis talaga) ang mga ito, wala pong bara yung mga fins.
    2. Auxiliary Fan: baka po mahina na rin ang motor nito.

    Kung OK po yung dalawang nabanggit ko, may problema na po sa system.

    Ito po yung mga posibleng problema.

    1. Maraming moisture at hangin (air) sa loob ng system. Kailangan po dito ma-vacuum ng husto para matanggal po yung moisture at air.

    2. Sobra sa langis ang system.

    Kung sa system po ang problema, pinaka-maganda na po siguro linisin (Flushing) na ang buong system. Dapat po palitan na rin ng langis ang compressor, (kailangan po yung tamang dami lang ng langis).

    Oil Chart

    http://www.napabeltshose.com/downloa...s&view=napa_hc

Sanden Parts Distributor