pag uminit ang tubig sa radiator at maging steam, lalabas ang steam kung malakas na ang steam pressure at pupunta ito sa reservoir tank.
dahil malamig ang coolant doon, ay magiging likido ulit ang steam. ngunit medyo i-init ang coolant ng reservoir. kapag matagal nang umaandar ang makina, ay normal na iinit nang husto ito.
ngayon, kapag lumamig na ang makina, ay hihigupin pabalik sa radiator ang coolant na lumabas dito nung mainit pa't uma-andar ang engine..
ngunit kapag umusok na rin ang reservoir coolant, ay medyo may problema na.. malamang ay malapit na o nag-o-overheat na ang engine niyo..