New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 4 of 4
  1. Join Date
    Apr 2012
    Posts
    80
    #1
    Mga katsikot, eto po bang nasa picture eh yung tinatawag na plastic top na radiator? Sa LVC Auto Supply ko po nakita

    195729618_1956078587845e024e7d14609b66d4771e51f4e4c39133801.jpg

    May gumagamit po ba sa inyo niyan? Ano pong masasabi niyo sa performance? Thanks

  2. Join Date
    Mar 2008
    Posts
    52,697
    #2
    ... sorry. x2..
    Last edited by dr. d; March 18th, 2014 at 05:53 PM.

  3. Join Date
    Mar 2008
    Posts
    52,697
    #3
    yung itim. yan ang top. or tub. or bathtub, dahil sa korte.
    dalawa yan.. isang upper tub, at isang lower tub.
    dati ay yari yan sa metal. ngayon ay may yari na sa plastic dahil mas mura pag plastic. may magsasabing mas matibay kapag ... o mas magaling kapag.. nguni at ang totoong rason kung bakit plastic, ay dahil mas mura siya. ganunlang.

    yung bilog na may pito, yan ang filler neck. diyan binubuhos ang coolant liquid.

    yung butas-butas sa ilalim ng tub, yan ang radiator core. yan ang nagpapalamig sa coolant. yan din ang madalas magka-butas kapag tumatanda..

    may gumagamit ba nito? dalawa lang naman sila.. kung hindi metal, ay plastic. parehong popular sila..

  4. Join Date
    Oct 2009
    Posts
    2,271
    #4
    at standard radiator ng LXI ay single row lang kaya mas maganda yan kasi 2 rows na siya
    mas malamig sa makina at madaling ang evaporate ang init ng makina mo sa radiator.
    mas maganda siya..

    ako nagpalit las year ng ganyan ,kaso ngalang after 1 year.singaw nadin ung gilid nag lileak na siya.
    kaya pinalinis ko nalang ulit ung dati kong 1 row radiator na copper ung ibabaw at ilalim..

    mas maganda sana yan kung 2rows na copper ung ibabaw at ilalim.
    para incase na magbara pwede mo ipalinis sa mga gumagawa ng radiator.

    ung plastic naman ay nalilinis din at nabubuksan kaso ngalang
    mas minsan kapag high pressure na talaga nabibitak din ..or nag li leak
    kaya mas ok kung ang mabibili mo ay metal or copper ung ibabaw at ilalim..

Tags for this Thread

Radiator Question