Nakabili ako ng radiator fan motor replacement para sa lancer 94, kaso di nag-fit yung original fan blades dahil malaki yung butas para maikabit yung fan blade sa shaft nng fan motor. May nagkasyang fan blade na pang honda pero iba yung angle nung fan blades. Hindi ba masisira yung fan motor kung i-reverse yung polarity nung wire para umikot sya na tama yung direksyon nung hangin?
may certain angle yata ng comm brushes para tama yung contact nya sa rotor electrodes. If ireverse mo polarity para mag reverse rotational direction nya, baka mabilis masira. As others mentioned, better kunin mo na yung tamang specs. = )
tignan mo yung carbon brush ng commutator kung perpendicular or centered sa shaft. if so then pwede kahit reverse direction. meron kasi yung naka-angle or off-center yung carbon brush, di pwede i-reverse.
OK thanks. Ipapacheck ko na lang yung loob ng fan motor tapos pag di talaga u-ubra ipahahanap ko na lang ng tamang fan blades. Maraming salamat ulit sa mga input at advice n'yo : )
kung ako sayo , ibalik mo na lang yung binili mo at palitan ng tugma sa kotse mo,para alang kang sakit ulo , kung problema mo sa binilhan mo alng pareho , soli pera, hanap ka sa iba, ganyan kasi ang style sa mga surplus store pipilitin yun iba parts na di pwede, pra lang magkabenta, paminsan minsan use your yung consumer right para di umabuso yun mga mapagsamantalang surplus shop,(base sa experience ko).