New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 7 of 7
  1. Join Date
    May 2010
    Posts
    5
    #1
    Mga sir, mag tatanong po sana ako kung may alam po kayo na lugar yung maayos mag overhaul ng rad, nakaalam kung naka rekta fan ng rad at kung may thermostat pa po sa mkt area, hindi taga at sapat naman yung presyo pati narin maayos kausap

    Nag oover heat po kasi yung sasakyan namin (93 honda hatch) mabilis maubos yung tubig sa reservoir (tap water lang po laman). Pag hindi po ako naka a/c and lights normal naman po yung temp(tumataas pero matagal compared pag naka a/c and lights) Pag gamit naman po a/c umaangat agad. Pag ginamit ko a/c at lights (headlights and fog) sabay ayun mas mabilis tumaas. Wala naman pong mga leak sa pag check ko at kakapalit lang rin ng rad cap. papa double check ko sana sa shop na marunong at maayos talaga gumawa. baka po may alam/marerecommend kayo. Pag hindi po ata makuha sa overhaul ng rad, saka ko na po papatingin yung cylinder gasket at water pump(mahal po kasi, labor palang. kaya ihuhuli ko na po yang dalawa). Besides po sa mga yan, may dahilan po ba kung bakit nag ooverheat?

    tia tsikot

  2. Join Date
    Apr 2009
    Posts
    1,902
    #2
    Quote Originally Posted by drivendriver View Post
    nakaalam kung naka rekta fan ng rad
    Pag sa ACC-on sa key mo pa lang nag-on na kagad yun rad fan, nakarekta yan.

  3. Join Date
    Dec 2006
    Posts
    234
    #3
    taga makati din ako, wala din akong mahanap na matino (yung nag babasa ng shop manuals at hindi tira lang ng tira) at mapag kakatiwalaan na mekaniko sa lugar natin.

    matagal na ako nag hahanap, kung may alam kayo, recommend nyo naman

  4. Join Date
    Jun 2010
    Posts
    76
    #4
    sir check mo na lang yun private message mo baka makatulong

  5. Join Date
    Aug 2009
    Posts
    43
    #5
    Nagoverheat din po ang sasakyan ko nang pinalitan ko po ng radiator cap.pakicheck po kung pareho ang pressure nito yung sakin po ay dating 0.9 nung pinalitan ko ng 1.4 dun na angstart mag over heat.. d ko lang alam kung malaki ang kinalaman nito.

    kung naka on ang aircon at kung doon lang tumataas ng mabilis ang temperature pacheck mo na rin kung malakas pa ang hangin ng fan ng aircon. kung kaya pa irewind, pa rewind mo muna. base lang po sa experience HTH.

  6. Join Date
    Aug 2009
    Posts
    43
    #6
    sorry double post

  7. Join Date
    Aug 2006
    Posts
    73
    #7
    Quote Originally Posted by drivendriver View Post
    Mga sir, mag tatanong po sana ako kung may alam po kayo na lugar yung maayos mag overhaul ng rad, nakaalam kung naka rekta fan ng rad at kung may thermostat pa po sa mkt area, hindi taga at sapat naman yung presyo pati narin maayos kausap

    Nag oover heat po kasi yung sasakyan namin (93 honda hatch) mabilis maubos yung tubig sa reservoir (tap water lang po laman). Pag hindi po ako naka a/c and lights normal naman po yung temp(tumataas pero matagal compared pag naka a/c and lights) Pag gamit naman po a/c umaangat agad. Pag ginamit ko a/c at lights (headlights and fog) sabay ayun mas mabilis tumaas. Wala naman pong mga leak sa pag check ko at kakapalit lang rin ng rad cap. papa double check ko sana sa shop na marunong at maayos talaga gumawa. baka po may alam/marerecommend kayo. Pag hindi po ata makuha sa overhaul ng rad, saka ko na po papatingin yung cylinder gasket at water pump(mahal po kasi, labor palang. kaya ihuhuli ko na po yang dalawa). Besides po sa mga yan, may dahilan po ba kung bakit nag ooverheat?

    tia tsikot
    Boss, baka sakaling makatulong din..Although di po sa makati area ang alam ko na radiator shop services. You might as well drop by sa may Bacoor, sa may Talaba lang po sya, sa tapat ng Tropical Hut (EVERCOOL radiator shop). Bago po mag-Aguinaldo Hi-way. I highly recommended that Shop since subok ko na. Marami din silang customers. Honest, competent and mura lang maningil. 750pesos lang po ang pa-overhaul. Makikita nyo naman kung gano po sila magtrabaho. Talagang professional ang linis/overhaul nila. Sila din makakapagsabi kung barado ang Radiator nyo. Marami na rin po akong na-refer sa knila at so far ok naman ang workmanship. Worth the price kumbaga!! Medyo may kalayuan nga lang sa inyo pero sigurado naman po ang gawa nila. So far they have 3 branches here in Cavite. Bacoor, Imus and Dasmarinas.

    Kung pupunta po kayo, make sure agahan nyo kasi marami din silang customers pag weekend. Swertihan na lang kapag weekend eh, konti ang customer. I remember nung sinamahan ko yung pinsan ko na may VTi pero dito po kami nagpagawa sa Imus branch nila since eto yung pinakamalapit sa amin although ako, dun ako nagparepair sa Talaba branch dahil puno ng customer ang Imus branch. So ang nangyari, Pina-overhaul nya rin ang radiator nya due to overheat and spillage of water from the reservoir. Nung naoverhaul na ang Radiator, marami silang nakitang clogged dirts/deposits at saka nung i-install na sa kotse yung Radiator, dun din nila nakita na bumigay na rin ang waterpump (kinalawang na kaya bumigay at sa sobrang katagalan na rin siguro). So mula nun, di na nagooverheat ang oto. Buti nalang may malapit na talyer sa Imus branch at napaserbisan na rin nya yung pag-install ng water pump on the spot. Nung napalitan ang water pump nya, singil nung mekaniko sa labor, 1.2k, sinabay na rin ang tune-up at change oil. Yung water pump, nasa 800pesos ata yung nabili ng pinsan ko. Saka wag po kayong gagamit ng aircon once prone sa overheat ang oto, mas lalong madaling mag-overheat ang oto.

    Kung let say, on the spot after maoverhaul ang radiator mo at nakasalpak na sa oto, na may problema din sa waterpump nyo at bumigay na. I-contact nyo na lang po yung mekaniko ko, si Mel Casaba. Para sya na mag-service ng oto mo dahil crucial po ang pag-install ng water pump dahil babaklasin po ang timing cover, damay na rin na tatanggalin ang timing belt. Or si Manong Danny, yung mekaniko na kontak nila sa Imus. Baka sakaling pwde syang rumescue sayo kung sakaling immediate ang pagpalit ng water pump. Basta silang dalawang mekaniko lang ang trusted ko dito sa Cavite. Mura pa maningil at hindi taga. Kilala po nung Lady shop owner ng Evercool si Manong Dan, sya kasi nagservice sa pinsan ko nung bumigay ang waterpump nya at minsan na rin akong nagpa-homeservice dun nung nagkaproblema ako sa kotse ko na ayaw mag-start na noon. Nasa Imus kasi ang shop nya. WHile si Kuya Mel, personal mechanic ko at nasa Dasma. Sya yung mine-mention namin dito na mahusay, mura at honest mechanic din.

    Basta magdala ka rin ng excess allowance mo para sakaling magkaroon ka ng immediate repair ay handa ka. Pero sana ang cause lang ng overheat mo ay yung maduming radiator lang para wala ka nang gastos.

    Hope this helps. God bless!!!

Tags for this Thread

Overheating honda hatchback makati