
Originally Posted by
pongees
Chineck ko recently ung blower saka evaporator ng aircon ng fx ko sa likod/rear. Kinailangan kong tanggalin ung upuan sa likod para ma-check na rin ung dinadaanan ng hangin. Napansin ko kasi sobrang hina ng hangin sa likod. Dun ko nakita na may singaw ung isa sa tube na daanan ng hangin, lumuwag na pala ung kabit dahil sa kalumaan. Tapos meron akong nakita na device na nakakabit sa mismong dinadaanan ng hangin. pati kasi un matatanggal na kaya. nung tinanggal ko, may springs sya tapos nakakabit sa wiring. Di ko lam kung switch din sya or sensor. Sinubukan ko tanggalin tapos in-ON ko ung aircon, di umaandar ung blower sa Number 1 and 2. Umandar lang nung nasa Number 3 ung switch.
Para san po kaya iyon? Ano po mangyayari kung di ko na sya ikabit? Di naman po siguro thermostat un ska la namang solenoid valve ang fx. Patulong naman po sa mga aircon experts natin. Ttry ko po magpost ng picture mya.