Sir, Kindly help naman po. Twice na po kasi nangyari ito na over sa kalahati yung temp guage ko, pero napansin ko lang na nangyayari ito kapag di ako naka-aircon. Pakiramdam ko di kaya nung fan nung radiator i cool down yung radiator ko.

Unang nangyari ito nung 3 days after na magpalit ako ng water pump kasi nagkaroon ng tagas. Pinapalitan ko yung water pump and pana flush ko na rin yung radiator kaya lang di ko kasi nakita kung paano nila na-flush.
Then yung pangalawang incident nung Monday lang pagdating ko sa bahay nung papatayin ko na yung engine napansin ko lampas ng kalahati yung temp guage ko. Sa tingin nyo guys ano problema dito? Help naman and kung saang shop magandang dalhin ito. Taga Novaliches QC. ako. Thanks.