
Originally Posted by
Maximo74
Good day,
I have a serious problem with my Camry 2004 A/T.
Nag-over heat at namatayan ng makina galing ng MOA pauwi ng Cavite. Meron nagmaganda loob at tinulungan ako na mkahingi ng tubig at mapa-start uli ang engine at nakauwi nman sa bahay. Dinala ko sa talyer at nakita na meron crack sa plastic top cover ng Radiator, temporary repair lang by epoxy adhesive. Advised by mekaniko na pwde I-repair yung radiator by replacing it with tanso/brass, so ganun nga ginawa. radiator overhaul at palit ng tanso.
After mga 2 months na ganun ang radiator ko e napansin ko na napupuno ang coolant reservoir tank at bawas naman yung coolant sa radiator, as in iga/dry yung loob. hindi nman nag-oover heat ang engine temp ( lagi nasa half lang ng gauge ). So everytime na long drive e check ko ang radiator at punuin ito ng coolant, same pa rin na puno ang reservoir tank.
Pina-check ko dasma powertek at pinalitan ng thermostat, thermo-switch at water pump. check din ang fan. So, ayos na daw, pero pag-uwi ko ng bahay e same pa rin. Full ang reservoir tank at dry ang radiator. bawas ng 11k sa budget ng hindi nagawa ang car.
Lagi ako nag-air bleed sa radiator, press yung hoses at on ang aircon. Nagpalit na rin ako ng radiator cap. Wala nman bubbles na marami coming from the radiator, yung tama lang pagna-air bleed, parang air pocket lang na lumalabas. wala sign of oil sa ilalim ng redcap at sa coolant ng reservoir tank. walang white usok sa tambutso. checked rin yung sparkplugs at wala nman oil or tubig sa loob.
Ano po kaya problema? magpalit kaya ako ng bagong radiator? me tama kaya ang cylinder head/gasket?
TIA.