Hindi naman purong plastic ang radiator ng Sentra B13. Yung top part lang, since aluminum pa rin naman yung cooling fins nun.

Kung tipid mode ka, pwede pa-overhaul na lang. But of course, depende kung saan yung butas, kasi kung sa plastic part, di na pwede pahinang yun. Top overhaul ng radiator is around P500, mga P900 ang complete overhaul (kasama pati ilalim). Yun nga lang, baka less than 2 years lang ang itagal.

If you want peace of mind at makatipid ng konti, Evercool ka na lang. Mga 5k++ siguro gastos.