New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 5 12345 LastLast
Results 1 to 10 of 50
  1. Join Date
    Apr 2012
    Posts
    80
    #1
    Hi guys. Sa mga nakadaan na po sa EDS Car Aircon Shop tama po ba itong map? I am planning to go there this week kasi nagleak yung oil sa A/C ko. Until what time po sila nag cloclose? sa Saturday 2pm po ako makakapunta. If maaga po sila magclose sa saturday baka sunday na ako makadaan ng 8am.

    Pahelp po. Salamat

    https://maps.google.com/maps?daddr=1...02916213039587

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #2
    Basta sir from Mindanao Avenue kakanan ka after ata nung Petro. Ang clue dun ay may Diesel Calibration center din sa kanto. After mo kumanan, the road will curve right then diretso na sa tumbok then left into the village. Just follow the village road (dalawang kaliwa ata) then you will end up at their gate.

    P.S. hindi ko kamag anak ang EDS. Thanks.

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  3. Join Date
    Apr 2012
    Posts
    80
    #3
    Quote Originally Posted by OTEP View Post
    Basta sir from Mindanao Avenue kakanan ka after ata nung Petro. Ang clue dun ay may Diesel Calibration center din sa kanto. After mo kumanan, the road will curve right then diretso na sa tumbok then left into the village. Just follow the village road (dalawang kaliwa ata) then you will end up at their gate.
    Salamat po Doc! I think yung tinutukoy niyo na kanan after ng petron is mula North yung orientation, kasi nakatingin ako mula tandang sora so south yung orientation hehe.

    Open po ba sila pag sunday?? sa saturday kasi labas ko 2pm pa, baka makarating ako dun 3:30pm na at marami silang ginagawa.

    Quote Originally Posted by OTEP View Post
    P.S. hindi ko kamag anak ang EDS. Thanks.

  4. Join Date
    Jun 2011
    Posts
    4,513
    #4
    Quote Originally Posted by lloydi12345 View Post
    Salamat po Doc! I think yung tinutukoy niyo na kanan after ng petron is mula North yung orientation, kasi nakatingin ako mula tandang sora so south yung orientation hehe.

    Open po ba sila pag sunday?? sa saturday kasi labas ko 2pm pa, baka makarating ako dun 3:30pm na at marami silang ginagawa.




    sir mukhang alanganin na po ang time nyo...

    much better po kung iwan nyo nalang ng saturday then balikan nyo ng mon.. or pag tapos na...

    dont worry mapag kakatiwalaan naman sila dun....

    close po sila ng sun... TRY THIS NO. po.. 930-7467 NOT sure kung ayan pa din no. dun...

  5. Join Date
    Apr 2012
    Posts
    80
    #5
    Kwento ko lang po experience ko sa E.D.S. Auto Aircon Shop.

    Noong dinala ko yung civic, binaba nila yung compressor at binuksan yun. Yung shaft pala eh mayroong bungi na kaya may tumutulong oil leak. Ang sinuggest ni kuya Jen ay turnohan yung shaft at palitan ulit ng shaft seal at orings which costs 3350 or balik na lang ako next time kung wala pa akong pera. Since andun na ako tinawaran ko ng 2850, inutangan ko nlng muna kasama ko kasi madodoble pa gastos ko kung next time pa ko babalik kasi dagdag pa sa gas at abala sa pasok ko. So pinalitan na nila yun and nagintay ako more or less 3 hours lang ginawa. Marami silang leak test na ginawa and kompleto sa gamit. Pag uwi ko at kinabukasan eh napansin kong may leak pa rin pero di na ganoon ka dami so binalik ko sa kanila and pinagawa ni kuya Jen sa tao niya yung pag tighten ng screw sa compressor body tapos nag karga ng freon and bubble test and okay na raw sabi ng tao. Di na ako siningil sa freon. So, nung paguwi ko eh kinabukasan may leak pa rin and tiningnan ko ng maiigi yung sa screw nga talaga yung problema, nawala nung natighten pero bumalik ulit. May leak siya ng sobrang liit so binalik ko ulit. Iniwan ko na lang yung car ko kasi may work pa ako at binalikan ko after 8 hours and sabi ni kuya Jen eh binaba na ulit lahat at pinalitan niya yung screw ko kasi luma na. Problema nga lang eh lumobo yung hose and pinalitan nila ng bago pero siningil lang naman sa akin ay 350 so okay lang sa akin since binaba pa nila ulit yung compressor at condenser.

    Palagay ko sila yung pinaka reliable sa pag ayos ng compressor and anything sa A/C kung nasa North area kayo. Thanks sir Glen and doc Otep sa pagrecommend.

    Sa Auto-Doctor ako unang nagpaayos pero hindi nila nakita yung leak gamit ang pagtest sa isang shop although maayos naman yung place doon kasi may libre ka pang softdrinks minsan food pa, yung problema ay kulang sila sa equipment ng pangtest kasi may pinupuntahan pa silang shop para mag leak test at ang taas pa nila maningil sa labor kasi inabot ako doon ng 4200 linis lng ng buong A/C system at palit drier. Iyon lang kasi ang bukas nung sunday na maganda ang feedback kaya hindi ako nagawi ng eds. Sa E.D.S. nga pala bumibili si mang mario ng pyesa. Maganda yung serbisyo pero bigyan ko lng ng 9/10 kasi hindi masyadong maganda yung waiting area. Andun ka rin sa talyer kasi maghihintay buti nlng may nakakakwentohan din akong nagpapaayos tska nakakwentohan ko si Mang Ernie kaya naaliw ako haha.

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #6
    I just picked up my Toyota from EDS kaninang 5pm. Iniwan ko kahapon ng 8am. So far ok pa naman. Total bill was 10,200. Parang system overhaul. Next time ko na lang dedetalye. Hehe

    Sana pinakwento mo kay mang erning kung pano napunta si jen sa kanila. Maaaliw ka. Dun ako sa tindahan nag aantay.

    I still go to mang mario pero the previous owner of my car did so many mods and remedyo to the aircon so i bought it to eds para marestore na din.

    Si mang mario may sakit pala kaya ang laki ng pinayat. Dinalaw ko siya last week.

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  7. Join Date
    May 2011
    Posts
    15
    #7
    mga sir, salamat sa pag refer dito. kahit papano meron akong peace of mind, kesa sa casa mag pagawa.

  8. Join Date
    Nov 2013
    Posts
    621
    #8
    Gloria V yung papasukan mula Mindanao Ave. Nagpagawa ako sa EDS today and I should say they, especially Gen, are very thorough in diagnostics. Hindi yung replace mentality tulad ng ibang shops. Another satisfied customer here.👍


    Sent from my 3310 using Tsikot Forums

  9. Join Date
    Aug 2012
    Posts
    178
    #9
    compressor lang po ba mayroon sila EDS? may leak ata evaporator ko at need na palitan. advisable ba na surplus din kuhain ko or bnew na sanden nalang?

  10. Join Date
    Sep 2013
    Posts
    505
    #10
    Quote Originally Posted by chard23 View Post
    compressor lang po ba mayroon sila EDS? may leak ata evaporator ko at need na palitan. advisable ba na surplus din kuhain ko or bnew na sanden nalang?
    kagagaling ko lang kanina, E.D.S pala kala ko ed's ang name hehehe. madali lang pala siya mahanap. pasok ng street after ng petron (check the map above), follow the road (as doc otep said) sa dulo the road goes right and left only. turn left sa gate, then two more left turns, look to your l;eft and you'll see their shop.

    it looks like a talyer from the outside, red primer painted roof and blue gate. sabi nung napagtanungan ko "tapat ng kakaibang humps". LOL

    i had our vehicle checked, compressor stuck up on certain occasions only. yung anak ng owner nagcheck, gave me quotations and explained the logic for what will be done to the vehicle. kaso problema yung time, it needs to be fixed for two days at most and i dont have the time to leave it there for two days. nire-schedule ko nalang probably next week pag may ample free time ako.

    they have brand new condensers, surplus aux fans and compressors. dont know about evaporators.

Page 1 of 5 12345 LastLast

Tags for this Thread

Location for EDS Car Aircon Repair Shop??