Good day mga sirs, ask lang ako inputs re. yung rear aircon blower ng liteace ko. Why kaya mahina buga ng hangin nya compared sa harap. Had my aircon cleaned already and replaced all the necessary parts kaso ganun pa rin, may lamig naman kaso hindi na sya umaabot dun sa passenger sa gitna and likod, so in effect hindi na nya kayang palamigin yung rear area. Tinanong ko na rin sa naglinis ng aircon kung pano mapapalakas hangin and he said stock na daw ng liteace yung ganung blower sa rear (I saw the plastic thingie that turns that acts as the blower, parang ok naman ikot kaso parang mahina) and he suggested installing a hanging type blower parang yung sa mga pamapasaherong FX. Nagtataka lang ako kasi my brother in law also has a liteace pero malakas buga ng hangin sa rear, stock din naman. Meron ba way mapalakas ng hangin without resorting to installing yung hanging type blowers na maingay..., or a kung may shop kayu na marecommend sa QC who specializes sa ganitong problem. TIA!