New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 16 of 16
  1. Join Date
    Feb 2003
    Posts
    1,182
    #1
    guys/gals,

    ano kaya itong kalansing sa aircon ng sasakyan?

    madalas meron pero minsan nawawala.

    pag merong kalansing and pinatay ko ang A/C, nawawala rin ang tunog. medyo matining eh. bearing din kaya? ok naman yung a/c....

    o baka loose na turnilyo?

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    11,352
    #2
    parang tunog ba ng lata ser? minsan ganon din yung tunog ng sasakyan ko pag naka aircon eh! ano kaya diperesnya non?

  3. Join Date
    May 2004
    Posts
    266
    #3
    Mga pards, hindi yon dilikado. may mga brand na sasakyan na makalansing talaga ang comp ng aircon . Lalo na sa Toyota. Yung isang sasakyan ko ganyan matagal na pero malamig pa rin aircon nya. hinde naman nagbbreakdown. not a big problem yan.

    thanks.

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,829
    #4
    mmmm....
    baka low on oil na ang compressor?
    bearing type ba ang compressor mo?

    try mo rin pa-check yung auxillary bearing, yung between ng aircon compressor and the alternator na kinakabitan ng fan belt.

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,754
    #5
    Yes try mo pa check kung tama ang level ng oil.. pag di pa rin nawala .. bearing naman pa tingnan mo.

  6. Join Date
    Feb 2003
    Posts
    1,182
    #6
    saan ba ok mag-pacheck ng aircon?

    mitsu lancer '96 EL

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    298
    #7
    frigidzone near hotel rembrant in timog

  8. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    647
    #8
    sa tabi ni Intense sa Banawe magaling.:D 3 auto na dinala ko dun lahat pulido gawa.

  9. Join Date
    May 2004
    Posts
    13
    #9
    Originally posted by zero
    mmmm....
    baka low on oil na ang compressor?
    bearing type ba ang compressor mo?

    try mo rin pa-check yung auxillary bearing, yung between ng aircon compressor and the alternator na kinakabitan ng fan belt.
    Idler bearing tawag dun. try mo spray ng wd40 pero temporary lang yun. yung sentra sentra series 3 namin 90 pesos lang yang bearing na yan. pag hindi pa rin nawala, compressor bearing na yan. papalitan mo sa mga aircon shops, mga 2000 gagastusin mo all in kasama na dito linis ng aircon mo.

  10. Join Date
    Feb 2004
    Posts
    7
    #10
    A/C specialist

    146 fort santiago st., Bago Bantay q.c (at the back of Sm North)

    9201708 look for Mang mario (super mura and also pulido ang gawa)

    tell him refer ko kayo from nissanbayan or from tsikot.com para bigyan kayo discount

  11. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    233
    #11
    kay mang mario oks talaga,

    nagpatingin ako ng compressor sa 20th ave (rolyn-air yata yung shop), cubao area, sabi ng technician kailangan daw palitan ang compressor- 9000++ labor etc, dinala namin kay mang mario - 600 lang, sabi ni mang mario sinasadya daw kasi minsan ng ibang aircon shops na kapag may pinagawa kang parts sa kanila sisiguraduhin nila na babalik ka

    malaki ang discount ng tsikoteers doon

  12. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,716
    #12
    masubukan nga yan si Mang Mario

    tagal ko na nababasa pangalan nyan dito eh. hmmm......

  13. Join Date
    Feb 2004
    Posts
    7
    #13
    yeah punta kayo dun sabihin nyo refer kayo ng may nissan na blue para mas bigyan pa kayo ng diskwento... (from nissanbayan and tsikot.com)

  14. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    148
    #14
    sir alive PM monaman sakin kung pwede, kung pwedelang) pangalan mo para pag nagpunta ako dun, name drop lang ako - bigay na agad diskwento!

  15. Join Date
    Feb 2004
    Posts
    7
    #15
    andun mismo yung may ari si mang mar... sabihin mo refer kita from nissanbayan bigyan ka discount nun.. gudluck

  16. Join Date
    May 2004
    Posts
    105
    #16
    Kay Mang Mario ko pinagawa ang car aircon ko ngayon ayos na, mas maganda sana kung weekdays kayo pumunta kung may time kayo balita ko pag weekends marami nagpapagawa doon.

kalansing sa aircon compressor