Mga gurus newbie question here at tsikot. Honda civic 96's aircon ganito problema. Ok ang operation pag makulimlim at bagong start ang kotse. Habang tumatagal and especially pag mainit, ang tagal mag-engage ng compressor clutch. Usually magre-rev muna ang engine ng mga 1.5k rpm for about 10-20 seconds bago mag-engage. And habang lalong tumatagal, humahaba ang revving time mga 1minute bago pumalo ang clutch! And pag pumalo na ang clutch after a long rev, nanginginig ang makina na parang gustong mamatay. Clear naman ang dryer sight glass during ac operation (walang bubbles) and lumalamig naman once mag-engage ang clutch so im assuming ok ang freon levels (or am I assuming too much?). less than 6 months since last cleaning and kakapalit lang din ng condenser fan. I'm planning to take this to mang mario. Iniisip ko clutch coil or compressor oil? Any inputs kung ano kaya ang problema? para hindi naman ako mabigla hehehe