New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 15
  1. Join Date
    Mar 2008
    Posts
    156
    #1
    Mga gurus newbie question here at tsikot. Honda civic 96's aircon ganito problema. Ok ang operation pag makulimlim at bagong start ang kotse. Habang tumatagal and especially pag mainit, ang tagal mag-engage ng compressor clutch. Usually magre-rev muna ang engine ng mga 1.5k rpm for about 10-20 seconds bago mag-engage. And habang lalong tumatagal, humahaba ang revving time mga 1minute bago pumalo ang clutch! And pag pumalo na ang clutch after a long rev, nanginginig ang makina na parang gustong mamatay. Clear naman ang dryer sight glass during ac operation (walang bubbles) and lumalamig naman once mag-engage ang clutch so im assuming ok ang freon levels (or am I assuming too much?). less than 6 months since last cleaning and kakapalit lang din ng condenser fan. I'm planning to take this to mang mario. Iniisip ko clutch coil or compressor oil? Any inputs kung ano kaya ang problema? para hindi naman ako mabigla hehehe

  2. Join Date
    Jan 2008
    Posts
    4,726
    #2
    check mo yung bolt ng compressor clutch damper, kung titingnan mo yung harapan ng compressor meron ka makikita na isang tornilyo sa gitna... check mo kung ayos ang higpit...nangyari na kasi sa besta van ko dati ganyan din madidinig mo naman yung relay ng compressor eh nag engage (tick sound) pero walang lamig tapos pag medyo nag rev ka ng engine eh bigalang kakapit.. ayun pala problem nawala na yung tornilyo sa gitna kaya pag nag disengage sa eh lumalayo ng sobra yung clutch damper dun sa clutch electro magnet (coil)..pag nag rev ka eh mayayanig ng konti yung clutch damper kaya didikit ulit.. also check mo din yung electrical connections mo sa compressor baka loose lang din..

  3. Join Date
    Jan 2008
    Posts
    4,726
    #3
    nga pala yung sinsabi mo parang mamatay possible nga na yung compressor clutch damper yan possible na maluwag lang nga yung tornilyo sa gitna or loose wiring, kasi sabi mo kumakapit pa di ba?? sa besta ko kasi dati nung mag ka ganyan eh ganun din pag biglang kumapit yung clutch ng aircon habang nag rev ang engine nanginginig yung engine na parang may makakalas at parang nahihirapan umandar sa biglang kapit nung clutch...gawa nga nung clutch since medyo lumalayo sya sa coil after disengaging, pag ON ulit nung coil hindi nya agad maidikit yung clutch kasi lumayo ng konti, so pag nag rev ka eh mayayanig sya tapos biglang kakapit...sana po makatulong..

  4. Join Date
    Mar 2008
    Posts
    156
    #4
    Salamat ng madami! Will try that today and will post again. Thankssss!

  5. Join Date
    Mar 2008
    Posts
    156
    #5
    Mahigpit naman yung center bolt nung clutch pero ganun pa din ang problema. May isa pa kong napansin: pag naka high yung blower and nag-gas ako ng mga 2k rpm, nagkaka-bubbles ng konti yung sight glass ng dryer, tapos clear na ulit, malamig naman ang buga ng hangin. Inisip ko refrigerant level, pina check ko pressure sa low side nasa 28psi naman, yung sa high side nasa 190. Ok din naman ang air flow sa condenser. kinakabahan na ko baka compressor problem na

  6. Join Date
    Jan 2008
    Posts
    4,726
    #6
    pa check mo muna electrical ng compressor clutch coil.. worst case eh yun mga bearings ng compressor mo problem possible stuck up since sabi mo parang mamatay engine eh... ang problem mo lang naman eh "parang hindi agad nag engage ang compressor mo even if nag trigger na yung thermostat (relay) right??" pa check mo din relay ng compressor.. baka may chatter na kaya inconsistent ang voltage supply sa compressor clutch...its really hard to say which part is defective since two factors are involved.. matagal mag engage compressor and pag nag engage naman eh parang mamatay ang engine... so before mo pa overhaul pa check mo muna lahat ng electricals...

    slight bubbles in the sight glass is normal especially at high temperatures and immediately after turning off the airconditioning unit...

  7. Join Date
    Jul 2003
    Posts
    573
    #7
    mainam diyan eh dalhin mo sa aircon shop para mabigyan ka listahan ng problem at estimate. libre lang iyon unless ipagawa mo na siya.

  8. Join Date
    Mar 2008
    Posts
    156
    #8
    *tip_tipid
    ok, im planning to bring this to ceejays this week. bukas yata sila on holy thursday. tnx

    *yapoy
    sapul! that relay angle makes a lot of sense! ganun nga ang nangyayari. sana nga ganun lang ang problema. thanks a lot!

  9. Join Date
    Mar 2008
    Posts
    156
    #9
    went to ceejay's at alabang-zapote road. they fixed the problem. its indeed the magnetic coil. swabe trabaho dun, very professional, highly recommended!

  10. Join Date
    Jul 2003
    Posts
    573
    #10
    very good to hear that your compressor problem is now fixed. I will recommend anytime ceejay's professional airconditioning services.

Page 1 of 2 12 LastLast
honda civic compressor clutch question