Just want to share my experience with boss Rex Aves... Hmm parang masagwa ata intro ko hehe.
Nagka problema kasi aircon ng pajero fieldmaster namin nawawala ang lamig pag traffic pero pag rektahan na malamig naman pati yung likod, dinala ko sa shop sa araneta ang findings palit daw expansion valve, drier etc then flushing, binigyan ako estimate inabot ng almost 8k! Expected ko freon lang or cleaning kaya nagulat ako medyo malaki na ata problema, so kinabukasan punta ko sa ibang reputable shop din sa qc, ang findings naman compressor daw! Pati expansion valves drier etc flushing atbp ang estimate naman ngayon is almost 18k! Wow mas lalu na ko nabigla, sanay kasi ko sa maintainance ng Daihatsu Charade, GSR, etc. Mga other oto namin pinakamalaki ko nagastos sa aircon is 3.5k lang ata
So kinagabihan, nag browse ako sa local forums including tsikot, marami ko nababasa recommended ang shop na "Aves Airconditioning sa Speaker Perez St. QC, kaso ang impression ko sa mga testimonials pricey at bigtime na shop ito, pero based sa mga nabasa ko na testimonials sa ibang mga subok na shop yung Aves talaga ang garantisado medyo marami na din kasi negative feedbacks dun sa mga ibang shops na sikat sa mga forums.
Haba na ng storya ko, eto na talaga pumunta na ko sa Aves, wow daming malulupit na oto parang carshow!Medyo dyahe ko nagpark sa loob, then may lumapit na mama simple lang dating(si boss rex pala mismo) ano daw problema, pinaliwanag ko kung ano observation ko, iba approach nya di tulad sa ibang mga shop na puro kwenta agad ng pyesa etc, sabi nya dun muna tayo sa simple at less gastos isa isahin natin posibleng dahilan, ayun findings sobra pa sa freon at may lininis sa condenser ata atbp may kinalas sa ilalim ng bumper at lininis din, then inobserbahan namin kahit idling malamig na aircon di na bumigay. Sabi ni boss rex, wag ka magalala di porket maraming mamahaling oto dito e malaki lagi singil o di ako gumagawa pati pang masa na oto, nabanggit ko kasi sanay ako sa charade etc, di dahil pajero papagawa ko e super bigtime din ako gumastos sa pagawa. Tinuro nya pa yung mga iilang lumang oto na ginagawa nila sa garahe. Ang total na siningil sakin is 500 petot! :D Ngayon kahit tirik araw summer tanghali tapat di na bumibigay ang lamig. Imagine sa mga di kasing laking shop ng Aves ang gastos daw e 8k at 18k... Kudos to boss Rex Aves, napakabait pa kausap daming tips di lang sa aircon pati makina suspension atbp, may shop din pala sya ng sa makina pangilalim pati pinturahan etc.
Paki banggit nyo na lang nabasa nyo dun sa naka Pajero Fieldmaster na Light Blue...
Rex Aves
112 Speaker Perez St. Brgy. Maharlika, Quezon City
Tel. Nos. 413-5125 * 731-6460 * 542-5287
PS
Based sa experience ko mas ok sa branch na yan sa Speaker Perez anjan si boss rex supervise nya mismo yung mga bata nya kesa dun sa branch sa sto domingo st.
Kung mapunta kayo sa sto domingo branch at di kayo kumporme sa findings at presyo lipat kayo sa Speaker Perez branch.



Reply With Quote
