New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 5 12345 LastLast
Results 1 to 10 of 49
  1. Join Date
    Nov 2004
    Posts
    505
    #1
    Just want to share my experience with boss Rex Aves... Hmm parang masagwa ata intro ko hehe.
    Nagka problema kasi aircon ng pajero fieldmaster namin nawawala ang lamig pag traffic pero pag rektahan na malamig naman pati yung likod, dinala ko sa shop sa araneta ang findings palit daw expansion valve, drier etc then flushing, binigyan ako estimate inabot ng almost 8k! Expected ko freon lang or cleaning kaya nagulat ako medyo malaki na ata problema, so kinabukasan punta ko sa ibang reputable shop din sa qc, ang findings naman compressor daw! Pati expansion valves drier etc flushing atbp ang estimate naman ngayon is almost 18k! Wow mas lalu na ko nabigla, sanay kasi ko sa maintainance ng Daihatsu Charade, GSR, etc. Mga other oto namin pinakamalaki ko nagastos sa aircon is 3.5k lang ata
    So kinagabihan, nag browse ako sa local forums including tsikot, marami ko nababasa recommended ang shop na "Aves Airconditioning sa Speaker Perez St. QC, kaso ang impression ko sa mga testimonials pricey at bigtime na shop ito, pero based sa mga nabasa ko na testimonials sa ibang mga subok na shop yung Aves talaga ang garantisado medyo marami na din kasi negative feedbacks dun sa mga ibang shops na sikat sa mga forums.
    Haba na ng storya ko, eto na talaga pumunta na ko sa Aves, wow daming malulupit na oto parang carshow! Medyo dyahe ko nagpark sa loob, then may lumapit na mama simple lang dating(si boss rex pala mismo) ano daw problema, pinaliwanag ko kung ano observation ko, iba approach nya di tulad sa ibang mga shop na puro kwenta agad ng pyesa etc, sabi nya dun muna tayo sa simple at less gastos isa isahin natin posibleng dahilan, ayun findings sobra pa sa freon at may lininis sa condenser ata atbp may kinalas sa ilalim ng bumper at lininis din, then inobserbahan namin kahit idling malamig na aircon di na bumigay. Sabi ni boss rex, wag ka magalala di porket maraming mamahaling oto dito e malaki lagi singil o di ako gumagawa pati pang masa na oto, nabanggit ko kasi sanay ako sa charade etc, di dahil pajero papagawa ko e super bigtime din ako gumastos sa pagawa. Tinuro nya pa yung mga iilang lumang oto na ginagawa nila sa garahe. Ang total na siningil sakin is 500 petot! :D Ngayon kahit tirik araw summer tanghali tapat di na bumibigay ang lamig. Imagine sa mga di kasing laking shop ng Aves ang gastos daw e 8k at 18k... Kudos to boss Rex Aves, napakabait pa kausap daming tips di lang sa aircon pati makina suspension atbp, may shop din pala sya ng sa makina pangilalim pati pinturahan etc.
    Paki banggit nyo na lang nabasa nyo dun sa naka Pajero Fieldmaster na Light Blue...

    Rex Aves
    112 Speaker Perez St. Brgy. Maharlika, Quezon City
    Tel. Nos. 413-5125 * 731-6460 * 542-5287

    PS
    Based sa experience ko mas ok sa branch na yan sa Speaker Perez anjan si boss rex supervise nya mismo yung mga bata nya kesa dun sa branch sa sto domingo st.
    Kung mapunta kayo sa sto domingo branch at di kayo kumporme sa findings at presyo lipat kayo sa Speaker Perez branch.

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #2
    Yes. Thats where my relatives have their ac works done. Ok din diyan. Nothing bad to say about them.

  3. Join Date
    Jun 2011
    Posts
    4,513
    #3
    Quote Originally Posted by OTEP View Post
    Yes. Thats where my relatives have their ac works done. Ok din diyan. Nothing bad to say about them.

    sir otep try mo minsan dun sa pinapagawaan ko ng a.c. shop... sa may gloria v subd. yun malapit lang sa area nyo.... dun ko pinagawa yung mb ko... 3 aircon pinakabit ko... at 2 condenser.... super lamig talaga..... nung thurs. ng after lunch nagpacheck ako ang low side nasa 31 lang ang high side nasa 220 naka menor pa yan....

    sir otep pag magpapalinis kayo dun sabihin nyo gen. cleaning.... lahat lahat pati condenser ipalinis nyo.... yung expansion valve po most of the time hindi nila pinapalitan.... parang inaadjust lang nila..... gumagawa din kasi sila dati ng expansion valve. condeser, evaporator etc.... manufacturer din sila dati.. kaya pag dating sa A.C. kabisadong kabisado nila..... pag nag punta kayo dun... pati coaster, bus, freezer van, van na parang bahay na ang laki, dun din pinapagawa.....

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    40,068
    #4
    ^malamang hinde magaling diyan Glenn, malapit pala kina OTEP pero hinde siya doon nagpapagawa...there be some reason why OTEP doesn't go there..

  5. Join Date
    Jun 2011
    Posts
    4,513
    #5
    Quote Originally Posted by shadow View Post
    ^malamang hinde magaling diyan Glenn, malapit pala kina OTEP pero hinde siya doon nagpapagawa...there be some reason why OTEP doesn't go there..
    he.he... ask nalang natin si sir otep... malamang hindi nya alam yun... at nasa loob kasi ng subdivision....

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    40,068
    #6
    Ssi OTEP pa..

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #7
    Hehe. Wala naman reason. Masarap lang siguro mag luto asawa ni mang mar. Saka mahilig ako mag sm north =)

    Yes, hindi ko po alam iyan shop diyan pero pwede naman po subukan.

  8. Join Date
    May 2007
    Posts
    268
    #8
    Nice, thanks for sharing.

    Masubukan sa next ac cleaning Last time nagpalinis ako sa frigid zone parang may clips na nasira.

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    40,068
    #9
    para guide na rin sa newbies. average price ng A/C cleaning is P1000-P1500 above that mahal na...most probably usual range is P1.2k siguro...freon/labor basta lahat na walang papalitan parts ha...yun kay mang Marion talaga mura based sa nabasa ko eh P800 lang sa kanila...

    meron ako nababasa na usual A/C cleaning ang charge eh P2.5k grabe sobrang mahal yan...

    of course mas mahal pag kailangan alisin dashboard...

    mga filter driers average P600-P800?
    expansion valve..less than 2K, around P1.2k-1.5k siguro-this one hinde ko alam kung pareho lang price ng mga lumang expansion valve sa mga parang lighter type sa mga newer models..maybe others can chime in

    sorry tagal ko na kasi hinde nagpapa A/C cleaning but ganyan ang estimate ko...

    hinde kasi ano annually nagpapa A/C ng mga kotse...pag meron sira na or signifiacant nabawasan lamig saka ko na isasabay pagawa.
    and anyways. meron na naman cabin filters mga kotse now so hinde na rin masaydong nadudumihan yun cooling coil.

    experience ko kasi before. anal ako sa A/C cleaning eh napapansin ko walang sira pero papacleaning pa rin just to follow the schedule annually eh after magawa. everytime nagkakaproblema...

  10. Join Date
    Jun 2011
    Posts
    4,513
    #10

    sir shadow sa ganyan a.c. shop ako natatakot magpagawa... yung mga mura.... basta malinis lang nila evaporator mo tapos na.... pero yung mga importanteng factors like condition ng condenser, explansion valve, aux fan, pressure ng high side pati low side... eh neglected.. You get what you pay for.... then after a few days or pag mainit na ang panahon... humihina na ang lamig ng a.c..... kinalaunan babalik balik ka sakanila tapos sasabihin sayo malamig naman ha, ganun talaga pag luma na ang oto mo hindi na ganun katulad ng bagong sasakyan thats BS, or mahina na compressor mo, luma na drier, palitan ang expansion valve samantalang ang expansion valve pwedeng adjust or tono lang yun... ....... kailangan palitan ito etc. pero dapat nung una palang eh nAkita na nila yun... lalong dodoble ang gastos..... tapos ang warranty 1 week to a month? tapos pababayaran sayo ulit freon etc....

Page 1 of 5 12345 LastLast
Aves Aircon Specialists, pang masa din pala!