Results 21 to 30 of 32
-
March 30th, 2013 03:24 PM #21
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- May 2012
- Posts
- 186
April 4th, 2013 12:59 AM #22Nag paayos ako ng aircon frigid zone don antonio cost me 15k palit evaporator. Ok naman gawa nila pero mas magaling lang talaga ung sa denso alam na alam nila ung gagawin saka na desapoint lang aki nang di totally tinangal ung dash sa hinugot lang ung aircon sa gilid. Pero mas mura naman sila sa denso saka mukha namang original ung parts nila and malamig na malamig ung aircon ko ngayon mas malamig pa dun sa bago ko kotse he he. So far so good.
-
April 4th, 2013 02:53 AM #23
Talaga bang sirain ang evaporator? Ilang years ba ang normal lifetime ng mga original nito?
Kakatapos ko lang din magpa-cleaning sa Kamuning naman. Pa-refill lang sana ako ng freon (R134a) sa Altis ko, pero nung i-check mukhang me leak na raw so kelangan din daw ma-check evaporator. Pwede pa rin daw naman i-refill kaya lang sisingaw din. So, in-schedule ko na lang ng pa-cleaning, kasi P2,000 daw kasama na freon at cleaning. Yung sa akin, baklas dashboard talaga. Kinabahan nga ako baka di na maibalik. Hehe.
After ma-test evaporator me leak nga raw. So tanong ako magkano ba unit? Replacement is P5.5k at original ay P8.5k naman. Dahil talagang super baklas na yung dashboard, napasubo na rin ako na palitan na evaporator. P10k all-in. I should have refilled with refrigerant na lang muna sana the minute it was first offered. Baka naman matagalan pa kahit papaano bago mawalan ulit ng lamig. I've seen the unit at mukhang original Denso naman nakatatak sa box. Inabot din ako ng almost 4hours for everything.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- May 2012
- Posts
- 186
April 4th, 2013 10:39 AM #24mura
Ung altis ko sir once ko lang pinalinis sa denso mga ika 8 years na un pero after almost 2 years ito pinalitan ko na at may leak mna. Mura na yan sir 10k all in sakin 15k palit evap expansion valve drier saka filter pina lagyan ko din kasi ng filter ung altis.ko. Ang quote sakin ng denso eh halos 20k.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Jan 2012
- Posts
- 97
April 4th, 2013 02:16 PM #25
mga 3-4years lifespam ng evaporator sa mga bagong unit, kaya 2years lang warranty nila sa sasakyan
grabe lang patong nila sa parts yun replacement(serpentine)evaporator 2.5k yan sa store yun Original naman(Laminated)4k my Altis Denso and Altis Sanden ganon din ang price, nasa City kasi kayo
-
Tsikot Member
- Join Date
- Mar 2009
- Posts
- 4
June 5th, 2013 11:04 PM #26Somebody with experience with Frigid Zone Marikina? I was told by their branch that they have a new shop in Marikina and since I'm from the place, I want to try it due to proximity.to my home. I'm considering also their Kamuning branch. What's their best branch to bring your car for aircon repair?
Thanks.
-
Tsikot Member
- Join Date
- Nov 2013
- Posts
- 3
February 22nd, 2014 08:23 PM #27Share ko lang yung experience ko so far sa Frigid Zone Don Antonio. Wala kasi ok na paglalagyan para sa shop na 'to.
Meron kasing humihigop na tunog sa loob ng kotse, passenger side. Bukod don, walang lamig and hindi nagpapahinga yung aircon, as in dire-diretso lang siya wala yung usual tahimik na part. So nag Google ako, ang sabi baka daw freon yun, kwinento ko din sa pinsan ko, and same din sinabi niya, freon daw.
Ang kotse ko eh 2003 Kia Rio hatch.
Dinala ko na nga kasi nakakatakot yung ingay, plus naalala ko sabi sakin nakarekta yung isang fan sa radiator ko sa aircon so baka kako mag overheat pag natuluyang nasira ang aircon.
Pag punta ko dun, initial check up nila kuya, tapos bigyan daw ako estimate. Magpa leak test daw ako, kung may problema daw edi susubukan gawin, pag wala na, palit na daw kami.
So ang estimate nung babae sa loob habang naguusap sila ni kuya:
4,500 ang pull down evaporator for cleaning and leaktest
Tapos sa baba may optional na nakalagay, eto daw eh kung sira nga:
1,000 ang cabin filter
5, 500 ang cooling coil
4, 500 ang valve, drier and flushing ata ang nakalagay, di ko mabasa masyado sulat.
Sabi ko, kuya freon charge na lang muna. Tinignan niya yung box sa loob sa may radio, tapos hiningi ni kuya yung paper, pumasok ulit tapos paglabas, 2000 na lang yung leak test kasi madali lang daw alisin. I guess he was saying/hinting na may leak yan, ipacheck mo na or nagulat siya na yun ang nilagay nung babae na price. Honesto si kuya.
Sabi ko naman, "Pero kuya kako, wala ho talaga akong pera." So ayun, nilagyan ng freon tapos sabi ni kuya, ibalik niyo na lang ho ma'am dito samin. Kuya, kung nababasa mo 'to, nagdilang anghel ka ata haha! JOKE!
Lumamig siya after ko palagyan ng freon, nawala yung sound and namamatay na siya gaya ng normal aircon.
After 1 month, January 21 ko siya dinala of this year, eto na ulit, same problem kaya dadalhin ko sa kanila bukas.
Sana walang tao, bukas daw sila eh tumawag ako kanina. Update ako pag nagawa na.
-
Tsikot Member
- Join Date
- Nov 2013
- Posts
- 3
February 23rd, 2014 04:11 PM #28Ang hirap naman magpost dito. May urls daw ako and forbidden words. Wala naman kakainis tapos malalog out ako pagkatapos ko magtype. Anyways, to make the long story short, inabot ng 5 hours ang gawa and sampung libo.
Palit evaporator, linis condenser, vacuum, palit expansion valve and drier, flushing.
I'm happy with the service, test drive test drive muna.
-
February 23rd, 2014 04:25 PM #29
^^^saan ba location mo ms.sarahdough? Kung downsouth ka meron mura dito sa molino at queensrow mahusay parehas tumira ng ac.
Siguradong mayleak ka. Ang tanong lang eh kung saan banda, second medyo mataas ung quote sayo ni ate.
Posted via Tsikot Mobile App
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Apr 2010
- Posts
- 71
February 23rd, 2014 10:28 PM #30
Puwede i try, 1. Palit air filter 2. Linis throttle body 3. Linis MAF sensor 4. Check spark...
high idle RPM at engine start