Hi Mga ka tsikot... ask lng po ako regarding sa sasakyan ko. Muntik po ako mgoverheat dahil nabutas po ung lower hose ko sa radiator napalitan na po sya ng bago pero ang concern ko po ngaun eh pag inistart ko po ung sasakyan ko ng walang naka off ung aircon tuloy tuloy ang akyat ng temp. hindi na sya nababa pero kapag from cold start pinaandar ko ung sasakyan ng naka aircon ok naman ung temp. sa fan motor assembly na po kaya ang sira nun? bagong palit lang din po ang thermostat ko. tapos pansin ko rin po pag inistart sya ng walang aircon tska lang nag oon ung fan pag umabot na ng 100celsius ung temp may bluetooth obd po kasi ako kaya namomonitor ko po ung temp.
tska po kung sakali man na fan motor assembly na ang problem ok lang po ba na replacement na lang ang ipalit sobra po kasi mahal ng orig parts. Mazda 3 2004 model po sasakyan ko. Salamat po ng marami!!!