Alam mo ang style para di ka tagain sa banawe, canvass ka na di mo dala sasakyan mo para ang dating mo is di ka nagmamadali sa piyesa at ng di ka tagain sa presyo. Parang ang dating is napagutusan ka lang kunwari ng boss mo. That's my style, may style pa ako kunwari na pag naka discount na ako sa price, ipalalagay ko pa din kunwari yung unang price sa resibo na sinabi niya para ma refund ko sa boss ko kuno.

Dami surplus na radiator sa banawe lalo na yang model ng sasakyan mo, nagkalat ang radiator nian duon may kasama pang auxiliary fan na package. Mas mababa pa sa 4k ang presyo ng mga radiator sa banawe plastic man yan or metal.

Pag napagawa mo sa Denso yung top portion nian, im sure may bibigay na ibang part ng radiator mo dahil di na pantay pantay ang strength niyan. Lalabas talaga susunod na weakest link ng radiator mo. Consider the option of buying surplus, konting tiaga lang sa init ng panahon pag canvass ka. Pero kung may pera ka, sige go ka na sa Denso. Pero pag medyo tipid ka na hindi naman mako-compromise yung quality nung parts na bibilhin mo, consider the surplus radiators.

May suggestion pa pala ako, kung di pa grabe sira ng top radiator mo and kailangan mo magamit sasakyan, lagyan mo muna plastic epoxy na high temeperature. Meron sa DIY shop yan ask mo na lang sa kanila.