New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 9 of 9
  1. Join Date
    Oct 2009
    Posts
    179
    #1
    Gud day mga sir, matagal kasi hindi nagamit un aircon ng sasakyan, umiingay un compressor once na buksan na ang aircon, parang tik tik na sounds. Pinacheck ko ito sabi kailangan daw paltan ang comoressor, condenser and evaporator. So umalis nalang ako para ipatingin sa iba dahil di man lang nila trinay lagyan ng freon.

    Sira at palitin na ba ang compressor once na umingay ito? Thanks.

  2. Join Date
    May 2014
    Posts
    72
    #2
    Quote Originally Posted by eurostyle View Post

    ahhahha pati condenser ah hahaha malamig pa yan sir pg nilagayna ng freon? ano ba reading ng compresor mo? denso ba ang compresor mo? ano car mo?

  3. Join Date
    Nov 2007
    Posts
    68
    #3
    Quote Originally Posted by eurostyle View Post
    Gud day mga sir, matagal kasi hindi nagamit un aircon ng sasakyan, umiingay un compressor once na buksan na ang aircon, parang tik tik na sounds. Pinacheck ko ito sabi kailangan daw paltan ang comoressor, condenser and evaporator. So umalis nalang ako para ipatingin sa iba dahil di man lang nila trinay lagyan ng freon.

    Sira at palitin na ba ang compressor once na umingay ito? Thanks.
    Malamang kelangan nang palitan compressor mo sir kahit may lamig pa pag nalagyan ng freon. Reason kasi nila ay para maiwasan ang pagkalat ng mga maliliit na debris na gawa ng defective compressor. Usually suggestion ng AC technician na palitan ang condenser at evaporator pero pacheck mo muna yung filter-drier nya pag naBy pass na ito ng mga debris na galing sa compressor. If ok pa yung filter-drier, kahit hindi na palitan ang condenser. Evaporator ay malayong maapektuhan gawa ng dadaan muna ang mga debris sa filter-drier, then sa condenser. Just replaced mine in my Outlander 3 months ago dahil sa minor grinding noise pag naka-on ang AC, suggestion ng casa palitan din lahat (condenser, evaporator, filter-drier, expansion valve). Pinatingin ko sa labas then compressor lang pinalitan kasi okay pa ang filter-drier nya.

  4. Join Date
    Jul 2013
    Posts
    2,450
    #4

    Ganyan din yung sa amin dati. Yung tiktik sound parang electrical ang nature at hindi mechanical.

    Ang suggestion ko wag ka na bumalik doon sa aircon shop na yun. Compressor, evaporator at condenser ay papalitan? Hindi pwede i-test muna? Halos ayan na yung aircon system eh.

    Since matagal hindi nagamit have them check the compressor using the pressure gauge they have. Have them check the evaporator and condenser for leaks also. Depending of the location of the leak if there is any, these can be repaired.

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    40,058
    #5
    what do you mean, matagal hinde nagamit? gaano katagal? bakit hinde ginagamit yun A/C meron na ba sira talaga before?

  6. Join Date
    Aug 2013
    Posts
    28
    #6
    Quote Originally Posted by jay1005 View Post
    Malamang kelangan nang palitan compressor mo sir kahit may lamig pa pag nalagyan ng freon. Reason kasi nila ay para maiwasan ang pagkalat ng mga maliliit na debris na gawa ng defective compressor. Usually suggestion ng AC technician na palitan ang condenser at evaporator pero pacheck mo muna yung filter-drier nya pag naBy pass na ito ng mga debris na galing sa compressor. If ok pa yung filter-drier, kahit hindi na palitan ang condenser. Evaporator ay malayong maapektuhan gawa ng dadaan muna ang mga debris sa filter-drier, then sa condenser. Just replaced mine in my Outlander 3 months ago dahil sa minor grinding noise pag naka-on ang AC, suggestion ng casa palitan din lahat (condenser, evaporator, filter-drier, expansion valve). Pinatingin ko sa labas then compressor lang pinalitan kasi okay pa ang filter-drier nya.
    Gaano katagal bago mo pinalitan yung compressor since nag-start yung grinding noise sir? I have the same problem, pag medyo matagal kong hindi pinaandar yung akin, may grinding/scratching noise sa start pag binuksan ko yung aircon. Pero pag matagal ng naandar (say 5 minutes), nawawala na siya. Hindi ma-pinpoint ng casa kung anong problema, pero iniwan ko sa kanila ng overnight mga 3 times na to check kung san naggagaling yung ingay.

  7. Join Date
    Nov 2007
    Posts
    68
    #7
    Quote Originally Posted by pompeyo View Post
    Gaano katagal bago mo pinalitan yung compressor since nag-start yung grinding noise sir? I have the same problem, pag medyo matagal kong hindi pinaandar yung akin, may grinding/scratching noise sa start pag binuksan ko yung aircon. Pero pag matagal ng naandar (say 5 minutes), nawawala na siya. Hindi ma-pinpoint ng casa kung anong problema, pero iniwan ko sa kanila ng overnight mga 3 times na to check kung san naggagaling yung ingay.
    Siguro mga 3 months din bago ko pinapalitan sir. Initially ganyan rin and hindi naririnig yung noise nya outside if hood was closed, as in minor grinding sound lang kaso I was alarmed nung sabi ng casa and outside garages na maaring madamay ang ibang AC components nya if lalala at eventually gagawa ng metal debris ang compressor and it will be scattered sa system. Kumbaga sipon pa lang, agapan na.

    Posted via Tsikot Mobile App

  8. Join Date
    Oct 2009
    Posts
    179
    #8
    Tunog bearing siya mga sir kapag naka on na ang aircon tsaka lang nagiingay, mag 1 year pa lang un sasakyan sakin since ng pagkakuha ko puro mechanical pa lang ang pinagawa ko, hinuli ko nalang po itong aircon pero since ng una kong pagkakuha maingay na ang compressor, pero medyo my lamig pa, hindi ko lang sure kung pinalagyan lang ng freon at sumingaw na, ang mali ko lang ay nasabi ko agad sa tumitingin na matagal na syang walang lamig. Ang test na ginagawa nya ay un may gauge na nakaconect sa host papuntang condenser ng naka bukas at rev ang engine. 3 cylinder daewoo tico ang car mga sir, sa jensen sa aurora ko dinala dahil magaling daw don gumawa.

  9. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    689
    #9
    If serviceable ang compressor mo, you can have the bearing replaced.

Tags for this Thread

Compressor noise