Tsikot peeps, pwede bang malaman yung exact address and contact number ni Mario? May problema kasi yung AC ng car ko.
Dati, malamig siya na tipong yung mga salamin humahamog sa labas. Ngayon maski naka-full (read: coldest) setting na ako hindi na ganun kalamig.
Pina-check ko na rin kung ok pa ang freon. Ok pa naman daw, reading niya 32 (kung ano man ang ibig sabihin nun), kaya wala raw effect kung itatapon freon tapos pakarga ulit.
Isa ko pang nakitang problem ay kapag bumagsak yung idle ko ng mga 600 to 800 rpm meron "click-click" na tunog pag nakabukas AC. Dito ako kabado dahil baka compressor na ang problem. At saka pansin ko rin, pag tumatakbo yung car, mas malamig kaysa kapag nakahinto.