Si ac walang lamig, pag ka check sa repair shop wala na daw buga yung compressor ko. Meron daw syang freon pero si compressor di na daw nabuga. Suggestion ni repairman palitan na daw ng bago kesa i repair.
Nagtingin tingin ako sa internet ng compressor. Yung mga oem na nakita ko nasa 8-9k, si sanden naman 3.5-4k. Tapos ang labor daw sa repair shop 1800.
Totoo bang compressor ang sira? Paano ba nila nalaman na si compressor ang may sala? Tapos kung papalitan nga si compressor oem ba o si sanden? bigat sa bulsa kase ni oem hahaha. Kaya ba tumagal ni sanden ng 3yrs walang repair repair? siguro ang auto ko nagagamit lang sa average ng 700km per month.