New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 20 of 21
  1. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    19
    #1
    Hi Guys,

    Need help sa 1996 Nissang Sentra Sunny na kapag traffic at sobrang init sa labas nawawala yung cool sa aircon blower natitira hangin lang. At ang init pa ng hangin na lumalabas (siguro dahil mainit talaga). Tapos naririnig ko ang taas sobra ng idling parang tinapakan ang primera. Kapag pinapatay ko yung aircon bumabalik naman sya sa normal idling ng sasakyan. Babalik lang ang lamig kapag continuos ang takbo ng sasakayan. Ang hassle talaga mga sirs sa byahe aircon lang aasahan mo at ng mga kasama ko sa auto kapag traffic yun pala init to hel mararamdaman.

    Sa tingin nyo ano problema netong sasakyang ko?

  2. Join Date
    Mar 2008
    Posts
    174
    #2
    baka hindi umiikot ng maayos ang condenser fan mo.

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,719
    #3
    pacheck nyo sir yung fan sa condenser ng a/c ... baka hindi na umiikot


  4. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    19
    #4
    Umiikot naman sya. Kaso nga lang sa initan ng araw duon nawawala.

    Kapag traffic naman kunyare umaga tsaka mga around 5 ng hapon or gabi. Kapag natatraffic ako or naka idling lang ako tumatakbo yung aircon ng walang problema.

    Kapag mmainit lang ang panahon. Ang hindi ko maintindihan kapag mainit lang ang weather sya nangyayare.

  5. Join Date
    Jun 2008
    Posts
    1,738
    #5
    Possibilidad ay marumi ang condenser ng air-con. Pwede rin na ang condenser fan speed ay intermittent o mababa dahil worn out ang carbon brushes. Kaya mainit ang buga ng air blower kasi high pressure na ang high side ng aircon system so affected ang expansion ng liquid sa evaporator coil kaya hindi na lumalamig ang hangin na dumadaan dyan. Kaya naman tumataas ang engine rpm kasi mabigat dalhin ang compressor dahil high pressure discharge side nya. Isa pang possibilidad ay high non-condesable gas in circulation. Mangyayari it kung nag karoon dati ng leak then kinargahan ng gas na hindi na-vacuum ang system. Pwede rin na partially clogged ang air passage ng evaporator but this will not cause your engine speed to go high but insufficient naman ang cooling effect sa dumadaan na hangin.. Ito po ay assuming na ang refrigerant charge ng system ay normal otherwise you need to locate the leak and fix then recharge.

    I suggest hook manifold gauges and compare suction/discharge pressure readings before & after condenser cleaning. The result will give you a more clearer path to further trouble shooting & repair.

    Sana makatulong po. Have a nice & safe holy week to all..

  6. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    4,631
    #6
    I had a similar problem once, happened less than two months after nagpalinis ako ng aircon. Hindi lang nawawala yung lamig, pati yung fan hindi sumisindi for 5 minutes after starting the engine.

    Muntik ko nang ipa-check yung aircon and engine, until I thought of replenishing my coolant supply. Paglagay ko ng coolant sa radiator, bumalik yung lamig ng aircon at hindi na pumapalya yung fan. Hanggang ngayon maayos pa rin. Which reminds me, kelangan ko na ulit bumili ng coolant for summer.

  7. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    19
    #7
    *weisshorn
    Ang hindi ko maintindihan eh most of the time gumagana ang aircon. Malamig ang lumalabas sa blower ng aircon. Pero kapag tanghaling tapat hanggang haponm at naipit sa traffic duon lang sya pumapalya.

    Ang pagtataka ko eh bakit depende pa sa temperature outside ng car bago lumabas
    yung problema? Kaka frustrate. Kailangan pa naman to sa mga byahe ngayong holy week.

    * Bogeyman
    Hindi ko sure kung applicable sa akin yan. Pero try ko yan.

  8. Join Date
    Jun 2008
    Posts
    1,738
    #8
    Quote Originally Posted by rocksteadyian View Post
    *weisshorn
    Ang hindi ko maintindihan eh most of the time gumagana ang aircon. Malamig ang lumalabas sa blower ng aircon. Pero kapag tanghaling tapat hanggang haponm at naipit sa traffic duon lang sya pumapalya. Kasi nga sa traffic at tanghali mainit ang panahon, ang flow ng hangin para palamigin ang condenser ay mahina at mainit kaya ang condenser ay iinit. Pag mainit ang condenser yung refrigerant na binobomba ng compressor in gas form ay hindi maging liquid. Liquid ang kailangan na pumasok sa expansion valve papunta sa evaporator para lumamig ang hangin na dumdaan dyan. Pag hindi makapalamig ang condenser magresulta ito ng "high pressure" sa discharge side ng compressor. Syempre bibigat ang compressor par paikotin ng makina

    Ang pagtataka ko eh bakit depende pa sa temperature outside ng car bago lumabas
    yung problema? Kaka frustrate. Kailangan pa naman to sa mga byahe ngayong holy week. answer explained above.

    * Bogeyman
    Hindi ko sure kung applicable sa akin yan. Pero try ko yan.
    Suggestion: Before doing anything else first make sure that the condensing unit is working efficiently.

  9. Join Date
    Jun 2008
    Posts
    1,738
    #9
    Quote Originally Posted by Bogeyman View Post
    I had a similar problem once, happened less than two months after nagpalinis ako ng aircon. Hindi lang nawawala yung lamig, pati yung fan hindi sumisindi for 5 minutes after starting the engine.

    Muntik ko nang ipa-check yung aircon and engine, until I thought of replenishing my coolant supply. Paglagay ko ng coolant sa radiator, bumalik yung lamig ng aircon at hindi na pumapalya yung fan. Hanggang ngayon maayos pa rin. Which reminds me, kelangan ko na ulit bumili ng coolant for summer.
    Ang culprit in this case might be:
    Nagkaroon ng vapor lock (air bound) sa pocket ng temperature switch kaya hindi nya ma "sense" (water not in contact with the sensor) ang temperature ng cooling water kaya ayaw tumakbo ang fan. A simple air bleed ng temperature sensor will do (luwagan ng kunti ang threaded connection hanggang lumabas ang tubig then higpitan). Nang naglagay ka ng coolant nadisplace ang hangin kaya nakarating ang tubig sa "sensing head" ng temperature sender.

  10. Join Date
    Aug 2009
    Posts
    31
    #10
    tama si sir weishorn, high preasure ang system mo kaya nawawala ang lamig at hirap ang makina pag nasa traffic ka.kailangan mo pacheck ang ang condenser fan kung ok pa at icheck mo din ang aircirculation sa condenser side mo,delikado yan kung magtatagal pa pwedeng sumabog ang shaft seal ng compressor o sumabog ang discharge hose kong hindi maitatama ng maaga at kung hindi gagana ang relief valve kung muling tumaas ang preasure ng system mo.

  11. Join Date
    Feb 2008
    Posts
    76
    #11
    * rocksteadyian same lang problema natin, nissan series 3 kotse ko, kapag tumatakbo yong kotse ko then magtratraffic biglang magtaas baba yong rpm (1500) tapos namamatay ang aircon, ganon daw talaga yong computer natin pinapatay ang aircon kapag nakasense sya ng mga problema (overload). try to check with this thread baka makatulong..

    http://tsikot.yehey.com/forums/showthread.php?t=68179

  12. Join Date
    May 2007
    Posts
    932
    #12
    a friend had the same problem last year, something to do with the magnet thingy sa compressor. Buti nalang pwede pala i repair.

  13. Join Date
    Jun 2008
    Posts
    1,738
    #13
    Quote Originally Posted by foifoi05 View Post
    a friend had the same problem last year, something to do with the magnet thingy sa compressor. Buti nalang pwede pala i repair.
    Pag high pressure ang system syempre mabigat ang compressor kaya bibitiw (or slip) ang magnetic clutch kapag mahina na ang coil. Iinit ang buga ng air blower kasi walang circulation ang refrigerant.

  14. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    19
    #14
    Sir magkano inabot nya ng paayos?

  15. Join Date
    May 2009
    Posts
    1,990
    #15
    depende kung alin ang aayusin. kapag linis evap sakin e P1.2k. hindi nalalayo yung sa condenser., mas mahal ang compressor repair. at depende pa kung irerebuild compressor mo. i.e. palit o rings, oil, magnetic clutch etc.
    yung sakin kasi nun e continuous running naman compressor ko during idling kahit malamig klima. nag ooff lang kapag running na. pero cool pa rin. pinalinis ko evaporator e ayun normal operation na.

  16. #16
    bro why not pa cleaning mo muna aircon then sabay mo pa diagnose yung tungkol sa condenser. Yang ganyang klase kasi parang kulang na yung nagpapalamig sa condenser mo, might be faulty aux fan o kailangan ng isa pa dahil sa matinding init.(you mentioned kasi pag matindi lang init nagkaka ganun) Unang step kasi gagawin nila eh check yung charging system para malaman kung ok pa freon at bomba ng compressor, tapos evap naman at compressor ang ipepressure test kung may leaks. I'm sure mahuhuli ang culprit dyan at malinis pa aircon mo.

  17. Join Date
    May 2009
    Posts
    1
    #17
    try mo papalit yung filter/drier receiver. yung sa kin nissan serena, pag mainit din nawawala yung lamig. ganun ang suggestion nung suki namin car ac specialist.

  18. Join Date
    Apr 2010
    Posts
    1
    #18
    I recently encountered the same issue (tumataas bigla yung menor pag traffic and nawawala na rin yung lamig kasabay ng pagtaas ng menor), I thought it was my fan because prior to this my fan broke down, fuse lang sira so nung pinalitan yung fuse gumana na yung fan. So back to the issue, the technician said that my condenser could be clogged and might have to be replaced. nagpa-2nd opinion ako then I mentioned the fan and condenser story. Sabi nung pangalawang tumingin, ok naman daw yung lakas ng fan ko and yung condenser daw mukhang marami lang alikabok. So he suggested that I have my condenser pressure washed pag nag-pacarwash ako, make sure lang daw na sabog na tubig wag yung patusok para hindi mabutas yung condenser ko. Presto! after ng carwash ko, ok na aircon ko at parang mas lumamig pa. So suggestion ko, if you encounter this issue, pa bombahan nyo muna yung condenser nyo pag nagpa-carwash kayo, pag hindi naging ok then tsaka nyo patingin sa aircon shops. HTH.

  19. Join Date
    Apr 2009
    Posts
    6
    #19

  20. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    19
    #20
    Sakto brad.

    Yung mechanico namin ng aircon nung na check nya. Mabagal lang ang RPM ng fan.

    Kailangan mabilis ang ikot. At napansin nya na kapag naalog tumitigil yung fan.

    AUX fan lang talaga ang sira ng ganito.


    Bale 500 bili kosa AUX fan para sa nissan sentra lec yung 2 wires daw.

    So bale 1200 aircon cleaning na ren at charge ng freon so bale

    1700 lahat ok na ulit sa tag init. Ayos

Page 1 of 2 12 LastLast
Kapag mainit nawawala ang cool sa aircon, hangin na mainit lang?