mahal na dyan sa ceejays.. tapos mag nag recharge sila ng refrigerant, kapos kaya kulang sa lamig.. tinitipid yung charge pero singil top of the line..
mahal na dyan sa ceejays.. tapos mag nag recharge sila ng refrigerant, kapos kaya kulang sa lamig.. tinitipid yung charge pero singil top of the line..
correct sir.. dapat kasi talaga ang charge ng refrigerant is by weight.. usually around 450gms sa mga sedan.. pero dyan sa ceejay, tanchameter ang ginagawa..
ilang beses na yan, nagpagawa ako, may bubbles pa sa sight glass, pero sasabihin nila na ok na.. kesyo masama daw ma overcharge ek ek..
tsaka pag nag vacuum sila dyan wala pa yata 10 mins gusto na kargahan.. dapat yan medyo matagal ang system vacuum
kaya nung last nag pa repair ako dun ko sa coolmate dinala. yung machine nila pag nag karga by weight. ayun ganda ng lamig nung AC at walang bula sa sight glass..
Ok nga sa Denso pagawa. Mas scientific. Kaso mahal yata?
Sent from my iPhone using Tapatalk
yung last na pinagawa ko toyota altis, cleaning and minor repair dun sa nabulok na bolt ng expansion valve.. inabot ng 8k lahat
palit expansion valve, dryer, filter. tanggal dashboard pa and restoration nung mga clips na wala due to poor service na ginawa nung dating shop na nag ayos.
2nd hand kasi yung sasakyan.. pero ok yung gawa nila.. nabalik ng maayos at nawala yung mga umaalog alog sa loob nung dashboard..
although ilang araw eh bumigay naman yung compressor clutch nyan.. pero ako na lang nag ayos, kaya naman dukutin sa ilalim.. hehe
ang gusto ko yung machine nila, kasi na recover nila yung old refrigerant mo.. pati yung old oil nahihigop nung machine.. hindi pinasisingaw sa atmosphere..
tapos fully automatic yung machine, may set time 30 mins for vacuum, then mag papasok yung machine ng compressor oil, then charge ng refrigerant ayon dun sa weight na nakalagay sa hood.
Yan nga maganda bro. Sundan talaga factory spec para lumamig talaga AC. Hindi yung tancha lang ng refrigerant based on high/low pressure gauge. And maganda nga yung may recovery machine sila. Usually kasi if nag top up refrigerant di na nag top up oil
Sent from my iPhone using Tapatalk
Saan ba okay magpa check ng aircon dito sa may true QC? Medyo mahina at mainit singaw ng aircon nung kotse ng byenan ko
I'm using Frigid Zone. I tried both Kamuning and Kamias branch, okay naman work.
Sent from my YAL-L21 using Tsikot Forums mobile app
Hi tsikoteers, need recommendation for an aircon repair shop in QC. Nawalan ng lamig mazda 3 namin, twice na to napagawa in 3 years. Looking for a refutable shop this time.
Thanks for the recommendations bros. Pipili na lang ako, nadidinig ko na rin itong mga shops mentioned. I can say recurrent kasi ang nangyari. Napalitan na ng evaporator and nalinis na rin dati.
Just to update, dinala ko sa frigid zone fairview branch kasi dun ako malapit. Pulled down the condenser/drier and leak tested. Nakita na may leak dun sa ginawa nung unang gumawa, and worse dinaya nila kasi naka weld yung connection and dun ang leak. So pinalitan na condenser/drier assembly. Now balik lamig na ulit. By the way just to clarify, it's a 2008 Mazda 3 not the current one. Walang baklas na ginawa sa front bumper. The tech did a good job.