New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 13 of 13
  1. Join Date
    Aug 2003
    Posts
    3,273
    #1
    paano ko kaya maalis yung bird poop sa windshield ko. nag-cake kasi eh. naka park ako sa ilalim ng isang puno and pagbalik ko sa auto, matigas na yung bird poop; tanghali kasi ako nag-park.

    sinubukan ko ngang scrape yung top using a cutter to find out just how hard yung poop. langya parang tumigas na super glue eh. since parang glue yung substance, nagbakasakali lang akong subukan i-apply ang 3m adhesive remover. 'ala din. hehehe, long shot talaga. kayanin kaya ng babad sa hot water?

  2. Join Date
    Aug 2004
    Posts
    248
    #2
    gasolina lang pupuwede.

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    13,415
    #3
    lightly diluted joy or something... leave it there, just spray it on and let it soak.. then rinse sa water then ulit ulitin mo lang.

  4. Join Date
    Aug 2003
    Posts
    3,273
    #4
    thanks sa mga reply.

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,819
    #5
    H2O, water, tubig, danum, agua, moya... pag ayaw pa din maalis lagyan mo supositoryo. laging tandaan, walang ebak na matigas sa matyagang umire!

  6. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    4,631
    #6
    Pwede kaya diluted na Liquid Sosa?

    Originally posted by yebo
    walang ebak na matigas sa matyagang umire!
    Anoh baaaaaaaaaaaaah! :D

  7. Join Date
    Nov 2003
    Posts
    64
    #7
    Paano naman kung dagta ng mangga, paano tatanggalin? Napatakan din ako habang naka park sa ilalim ng mangga..

  8. Join Date
    Jul 2004
    Posts
    41
    #8
    dali lang yan buhusan mo lng tubig den matatanggal na yan pag meron pa dn natirang residue ng pooh pooh kuha ka ng sprayer o water gun spray that area and little by little mawawala dn yan d mo pa ma sscractch un glass mo.tapos pag my nakita ka ulit na ibon barilin mo pra nde na tumae pa ulit sa windshield mo.hahaha.

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    9,894
    #9
    good luck daw ang maiputan ng ibon, according to the Italians

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,819
    #10
    pare, pag babarilin mo yung ibon daplis lang wag solid ang tama. kasi pag natepok yung ibon e di ok dedbol yung isang ibon. pero kung daplis lang yung tama e magiging news item ka sa kanila, ang buong airwaves ay babalita na namamaril ka ng ibon. at syempre matatakot sila sa iyo kaya di na nila iiputan ang car mo.

  11. Join Date
    Jan 1970
    Posts
    512
    #11
    ikaw na lang ang iiputan nila in revenge... :-)

  12. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    13,415
    #12
    Hehe kulit si ser Yebo today ah :P Ano nakain... hehe

  13. Join Date
    Aug 2003
    Posts
    3,273
    #13
    hahahah! sige, hihiramin ko yung customized .45 nung barkada ko para medyo may class yung pagtira sa mga ibon.

    H2O, water, tubig, danum, agua, moya...
    yan unang-una ko sinubukan. la epekt eh. naalis na yung top part thru water, yung pinaka "core" nalang ang natira. langhyang ibon yun, iba ata ang diet eh. at least konti nalang ang natitira, medyo translucent na yung material na naiwan eh. tsagaan na nga lang siguro talaga 'to.

bird poop on windshield