balak ko pumunta DFA para magpa renew ng passport.
saan po kayo nagpa-park kapag pumupunta kayo sa DFA? Meron ba available parking sa DFA mismo?
thanks
balak ko pumunta DFA para magpa renew ng passport.
saan po kayo nagpa-park kapag pumupunta kayo sa DFA? Meron ba available parking sa DFA mismo?
thanks
hassle dun, sa labas ang parking mo tapos dami na nanakawan ng kotse sa harap ng dfa.
pa-pick up and deliver mo na lang passport mo, additional P300 lang naman yata. yun lang ginawa ko last time nag-renew ako ng passport e. check mo na lang website ng dfa tapos pa-schedule ka ng pick-up ng old passport mo. di ko na-keep yung phone number e, pero safe and mabilis pa ang service. wala ka pa hassle na maghintay ka dun ng super tagal. maliban na lang kung may balak ka makipagkilala sa mga.... hehehe
>>> http://www.dfa.gov.ph/consular/passport.htm
Yo Bossing Yebo!
naisip ko din yang pick-up/deliver ng DFA kaya lang kasama ko si Esmi eh, first time kasi ni Esmi mag apply ng passport... hmmm..... mukhang magko-commute kami ah.
thanks Yebo
been to DFA last month, from roxas blvd right turn ka sa libertad meron sa left side na school nagpapapark sa loob meron lang bayad at guard, during night lang yata bukas ung school na yun kaya pwede, extra income pa. meron bibigay na ticket at during exit check din ticket mo. maliit lang ito capacity approx 20cars
if via pick-up/delivery, you wont be getting the new machine readable passport.
You could park na lang sa nearest mall (MOA?), then commute para mas madali and di masyado hassle.
Nung last time na napunta ako ng DFA, nag-commute na lang kami ni misis. Hassle nga maghanap ng parking diyan, tapos matrapik pa. Pero I considered parking sa Harrison Plaza, kasi 1 jeepney ride away lang naman yun.
Parking na available lang sa DFA yung service road ng Roxas Blvd at yung sa paligid ng Astrodome.
Kaso delikado, marami magnanakaw dun.
di ba pwede pick-up and delivered ang new applicant? yung 3 anak ko pick-up and delivery lang yung passports nila last june, first time din sila kumuha ng passport. Si misis lang ang hindi pwede kasi lost passport siya need mag-submit ng affidavit. nagpunta kami kasi sa singapore last july, bakasyon sila. ako kasama pero di ako bakasyon kasi ako ang taga-buhat ng maleta, taga-karga ng bata pag napagod, taga-kuha ng picture, at taga-bayad. huhuhu! ubos pera ko!
Last edited by yebo; December 12th, 2007 at 08:48 PM.
^^^yebo, kasi minors pa mga anak mo..kaya no need for them to have an personal appearance....teka nga minors pa nga lang ba? hehehehe
ngayon with the new machine readable passports, everybody need to go to DFA personally para sa fingerprint scanning...
dagdag na lang kayo ng konting bayad at doon sa nagdedeliver at pick up ng passport, nakalimutna ko yun name ng company eh, then pag punta niyo sa DFA, diretso na kayo doon sa express lane nila, so no need for you na pumili ng mahaba...
If you really want to go to DFA. You can park your car at HK mall in front of DFA Roxas blvd. Or you can park it near Cuneta astrodome in front of Jollibee Libertad corner Roxas blvd.
may bantay naman dun sa tapat... 30petot parking, kaya lang after 8am, mahirap na ang parking... ang ginawa ko, 3wks ago lang, pumunta ako the day before ako magparenew. kinausap ko na yung parking attendant na ireserve ako ng parking at sinabi ko kung anong oras ako darating kinabukasan.. ayun pagdating ko kinabukasan, may nakaready na na parking para sa akin...
HK mall is also a good idea, kaya lang makikipag patintero ka lang pagtawid sa roxas blvd., di pa kasi tapos overpass dun...
dating ka na lang before 8am, maluwag pa parking...